Chapter 91: Depth Gloriosa

11 6 1
                                    


Makalipas ang dalawang linggo...

"Field trip?!!" Sabay-sabay na tanong ng mga nakikinig kay Master Nok.

"Oo, nasa isip ko kasi na dahil mukha namang walang problema, pwede tayong magbakasyon!" Paliwanag ni Master Nok

"Wow!" Sabay-sabay na reaksyon nina Amabii, Luisa, Russel, Mochi,at Miko

"Magsu-swimming ba tayo master?" Tanong ni Amabii

"Kami na ang mag-aasikaso ng pagkain!" Pagpresinta ni Mochi

"Nako! Wala akong tiwala sa'yo pagdating sa pagkain!" Komento ni Miko

"Anooong sinabii moo??" Tanong ni Mochi habang dahan-dahang tumitingin kay Miko gamit ang mga nanlilisik na mata

"Parang sakit lang ata ng ulo 'to..." Sabay na bulong nina Lean at Beth

"Teka san pala tayo pupunta?!" Tanong ni Luisa na bumasag sa ingay ng lahat

Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Master Nok ang tanong...

"Sa Depth Gloriosa."

Takang-taka naman halos ang lahat sa narinig na sinagot ni Master Nok maliban kina Beth, Karla, at Lorenz...

"Field trip pala ha..." Reaksyon isipan ni Karla

"D-depth Gloriosa? Swimming pool ba yun?" Tanong ni Miko

Kibit balikat lang ang naisagot ni Luisa dahil hindi nya rin naman alam ang lugar na binaggit ni Master Nok...

"San ba yun?" Tanong ni Russel

"Oh kumain at matulog kayo ng maaga at malayo-layo ang byahe natin bukas." Utos ni Master Nok sabay lakad paalis

"Ayos! Ihahanda ko na ang babaunin!" Sigaw ni Mochi

"Hayy talagang wala nang ibang laman yang utak mo kundi pagkain no?" Tanong ni Miko kay Mochi

"Sus... makikikain ka lang din naman sakin." Pagbasag ni Mochi kay Miko

At natawa sina Luisa, Russel, Amabii, Beth, Karla, at Lean sa sinabi ni Mochi kay Miko. Tahimik lamang si Mark na pinapagmasdan ang bawat isa ngunit hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ng estrangherong kanyang nakausap...

...

..

.

"Wag ka magkakamaling itulad kami sa Ministry, yan na ang huling babalang ibibigay ko sa'yo."

"Magkikita ulit tayo. Kung hindi ka papanig sa amin, huwag ka na lang humarang sa daraanan namin dahil kapag ginawa mo 'yon, ituturing na kitang kalaban. At kung sasabihin mo sa iba ang mga sinabi ko sa iyo ngayon, ituturing ko rin silang kaaway."

"Pag-isipan mo, naniniwala akong ito rin ang gusto ng mga dati mong kasamahan."

.

..

...

- - - - -

Nang dumating na ang oras ng hapunan ay halos nakahanda na ang lahat para kumain...

"Ayos... pakiramdam ko marami akong makakain ngayon..." Sabi ni Miko na taam-takam sa mga pagkaing nakahain

"Miko si Luisa?" Tanong ni Lean ng mapansing wala pa ang dalaga sa hapag kainan

"Nakalimutan na nya si Luisa dahil sa gutom nya." Sagot ni Beth

At nagtawanan ang lahat ng nasa hapag na natigil lamang ng biglang dumating na si Luisa...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon