"Namaga daw yung pisngi ni Miko ah..."
Ito ang pambungad na sinabi ni Andro habang papalapit siya kay Luisa na nakaupo sa duyan habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin.
"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ni Luisa
"Maaga pa, si Miko pa lang ang tulog." Sagot ni Andro
"Masyadong seryoso si Miko sa iniisip niya kaya naman hindi niya namalayan ayun..."
Natawa si Andro sa sinabi ni Luisa
"Ang kulit niyo ring dalawa, bagay nga kayo."
"Sus... lumabas ka lang ba talaga dito para mang-asar?"
"Pero maiba ako Luisa, magulang mo yung mga pumunta dito noon para bigyang lunas ang isang epidemya di'ba?"
"Uhmmm... sabi ni Master Eddie, wala rin kasi akong masyadong alam tungkol sa kanila dahil hindi na sila nakabalik at wala na ring balita pa."
Umihip ang malamig na hangin at kasabay noon ay ang lungkot na nabuo sa mukha ni Luisa.
"Sayang, hindi na nahintay ng nanay, tatay, at kapatid kong babae ang pagdating nila."
Labis ang gulat ni Luisa sa narinig na sinabi ni Andro...
At wala siyang nasabi kundi ang salitang...
"Sorry."
"Naku hindi mo naman kasalanan yun. Ganun lang siguro talaga ang buhay."
At muling umihip ang hangin.
"Maswerte rin si Miko no." Sabi ni Andro
"Ganun nga lang siguro ang buhay, swerte siya sa bagay na yan." Sagot ni Luisa
"Nandyan ka pa. Tapos naikwento nya rin sina Lean at Amabii."
Nanumbalik ang ngiti sa mukha ni Luisa...
"Isang buwan na rin pala kami dito, kamusta na kaya sila? Teka, ano pa lang pinagkaka-abalahan mo?"
"Hmmm... Nakapag-aral ako sa isang tanyag na eskwelahan sa kanluran. Ayos naman doon, masaya naman, minsan nga lang naaalala ko pa rin na mag-isa ako."
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 97: Love Saga IV
- - - - - - - - - - - - - - - - -
"Wahahahahaha!"
Malakas na halakhak ni Master Eddie habang tinitignan ang namamagang pisngi ni Miko dahil sa suntok ni Luisa. Nakasimangot naman si Miko habang nakikita ang reaksyon ng kanyang ama at nang mapatingin siya kay Luisa ay bumuka ang bibig nito na tila humihingi ng tawad kahit walang boses na lumalabas.
"Ayos Luisa mukhang nagbubunga ang pagsasanay mo." Pagbati ni Master Eddie
"Hindi ko lang napansin yun kaya nagkaganito hmp!" Reaksyon ni Miko
"Ang sabihin mo kinukulang ka na talaga sa pagsasanay kaya hindi mo man lang napaghandaan ang simpleng suntok." Sagot ni Master Eddie
"Pero totoo po ang sinasabi ni Miko!" Pagdepensa ni Luisa
"Hmmm... bakit mo ba pinagtatanggol itong anak ko?" Seryosong tanong ni Master Eddie
Nagulat si Luisa at hindi makaisip ng isasagot at ng makalipas ang ilang sandali ay...
"Wahahahahaha! Na-pressure ka naman agad iha." Pang-aasar ng tatay ni Miko
"Papa!" Sigaw ni Miko kay Master Eddie
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...