Chapter 79: Ang Katatagan ni Miko

22 9 0
                                    



"Teka, sino ka ba?" Muling tanong ni Lean

Hindi na lumingon pa ang lalaki at nagpatuloy sa paglakad ngunit sinagot pa rin niya ang tanong ni Lean...

"Michael"

At wala ng nagawa pa si Lean kundi tanawin ang likuran ng lalaking iyon hanggang sa tuluyan ng maglaho sa kanyang paningin.

Sa pagod ay nabitawan ni Lean ang kanyang espada sa sahig at kasunod noon ay bumagsak siya sa tabi noon. At habang nakatingala sa buwan at ilang bituin na nakikita sa kalaliman ng gabi...

"Napakalakas... masyadong malayo ang agwat namin."

Ito ang naibulong ni Lean sa sarili

- - - - -

"Kayong dalawa!" Malakas na sigaw ni Miko na pumukaw sa atensyon ng lahat

At nang tignan nina Mark at JK si Miko ay sinuntok ni Miko ang katabi niyang pader...

"Marami kayong dapat ipaliwanag."

Inilapat ni JK ang palad sa sariling mukha at sinabi...

"Hayy... inabot pa tayo ng isang panggulo."

"Anong sinabi mo?!" Sigaw ni Miko

"Ang ministry..." sa isip ni Mark

Mula sa kanyang mukha ay inilipat ni JK ang kanyang kamay paturo sa direksyon kung nasaan si Miko...

"Kasama ka sa ministry diba? Tignan mo ang kapalpakan niyo."

At itinuro naman ni JK ang babaeng kinakalaban nila ngunit labis ang gulat niya kaya naman agad siyang napalundag palayo dahil biglang humaba ang buhok ng babae papunta sa direksyon niya.

Habang nasa ere naman ay inihagis ni JK ang kanyang yoyo patungo sa direksyon ng babae ngunit sinalag lamang iyon ng mga buhok.

"Wah! Ano yan?!" Sigaw ni Miko sa gulat

"Kuya, ano yan?" Tanong ni Claud na naka-angkas pa rin sa likuran ni Miko

"Ah... e... basta akong bahala!" Sagot ni Miko

"Tsk... napakatibay talaga ng buhok niya. Bukod dun hindi nami nmasukat kung hanggang saan kayang umabot noon." Sa isip naman ni JK

"Muntik ka na dun ah." Sabi ni Mark kay JK habang nagkakasa ng baril pagkatapos magpalit ng magasin

"Kesa magkomento ka, siguraduhin mo na lang na tatapusin mo na 'sya sa susunod na magkaron ka ng pagkakataon." Pagsagot ni JK kay Mark

"Hindi mo ko pwedeng utusan." Sagot naman ni Mark kay JK

Nanatili pa rin naman si Miko sa panunuod habang inoobserbahan ang kilos ng mga taong nasa harap niya...

"Hay naku naman, sa lambot mong yan wala ka na ring pinagkaiba sa Ministry..." Sabi ni JK

Bigla namang sumabat muli ang lalaking kanina pa umaawat kina JK at Mark...

"Tama na... tigilan niyo na si ate..."

"Hoy ikaw." Pagbalin ni JK sa lalaki

Itinuro ni JK ang babaeng kinakaharap nila na tila wala sa sarili at kusang gumagalaw ang buhok...

"Sa palagay mo ba talaga siya pa ang ate mo? Isa na lamang siyang halimaw. At kailangan siyang mawala." Pahayag ni JK

"Ikaw..." Pagsabat ni Miko

"Huh?" Tinignan ni JK si Miko

Ibinaba naman ni Miko si Claud sa isang tabi at binulugan...

"Dito ka lang muna, mabilis lang 'to..."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon