Bumwelo si Miko at agad na lumundag nang mataas sa ere habang nakatingin sa direksyon kung saan nakatayo si Lean na sya namang nakatingala ngayon at inaabangan ang gagawin nya...
At sa isang iglap...
"Pocket One." Bulong ni Miko
At pagkasabi noon ay biglang lumabas sa kanyang tabi ang isang nagliliwanag na Spirit Ball na hindi nakaligtas sa atensyo ng lahat ang kakaibang lakas na nanggagaling mula dito!
"Pano sya nakapaglabas ng ganyang kalakas na bola ng enerhiya sa isang iglap?" Tanong na naglalaro sa isipan ni Lean
"Ni-hindi man lang sya naglabas ng maraming enerhiya at nag-ipon nito, pero sa isang iglap ay nakagawa sya ng ganyang kalakas na spirit ball?" Tanong sa isipan nina Karla at Beth
Napa-atras naman sina Russel at Agape...
"S-sa laki nyan siguradong..." Pangamba sa isipan ni Agape
Ngumiti naman si Lean at sumigaw ng...
"Astral Barrier!"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 103: Mga Pagbabago
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Biglaan namang naglaho ang Spirit Ball na hawak ni Miko at kanyang isinara ang kamaong may hawak dito at naghanda para sumuntok...
"Kunwari lang yon!" Sigaw ni Miko
Ngunit habang nasa ere siya ay may enerhiyang lumabas mula kay Lean at bumalot sa paligid at naging napakatigas noon na naging dahilan para mauntog si Miko sa ibabaw nito.
"Aray... Wow!" Reaksyon ni Miko habang nakahiga sa baluting gawa ni Lean
"Heto na... seryoso na si Lean..." Sa isipan ni Agape
Tumawa naman ng mahina si Lean at pagkatapos ay tinanggal na ang baluti at dahil doon ay nahulog si Miko sa sahig...
"Aray!" Pagdaing ni Miko
"Ikaw kasi... pinakaba mo ako." Sagot ni Lean habang naglalakad papalapit kay Miko
Nang makalapit ay iniabot ni Lean ang kanyang kamay kay Miko para alalayan itong tumayo na siya namang tinanggap ni Miko.
"Yun na ba yung Astral Shield mo?!"
"Oo, walong metro ang taas at lapad na kaya kong gawin o higit pa depende sa sitwasyon ng katawan at spiritual na lakas ko. Ang hugis depende rin sa sitwasyon pero sinadya kong bilugan para maganda." Pagmamalaki ni Lean
"Astig! Mukhang hindi ka talaga nagsayang ng panahon." Sagot ni Miko
Nakangiti naman si Luisa habang pinapanuod ang dalawa...
"Mukhang hindi lang si Miko ang nagsanay ng mabuti..."
Ganoon din naman ang naging reaksyon nina Karla at Beth habang pinapanuod ang dalawa...
"Apatnapu't limang misyon sa loob ng isa't kalahating taon, kahit na sabihin pang wala namang masyadong malaking insidente ang naganap, napakarami pa rin ng karanasang nakuha ni Lean sa loob ng maikling panahon." Komento ni Beth
"At ang Astral Barrier... patunay kung gaano nya kagustong protektahan ang kanyang mga kasama. Ibang-iba na sya sa Lean isa't kalahating taon ang nakaraan." Dagdag naman ni Karla
"Oh! Sina Master at Mochi oh!" Sigaw ni Beth nang makita ang dalawa na nasa baba na at papalapit kina Miko at Lean
Marahan ngunit dama ng lahat ang paglapit ni Master Nok na agad din namang napansin nina Miko at Lean...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...