"Miko! ... Miko!"
Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya matapos ko siyang isandal sa isang malaking puno ngunit hindi noon napigilan ang tuluyan na pagkawala ng kanyang malay. Ang tanging salitang nagawa niyang ibulong gamit ang nanghihina niyang tinig ay ang pangalan ng babaeng mahal niya. Madumi, duguan, malungkot, at ang tanging bagay na mababakas sa mukha ng kaibigang nakilala ko sa pagiging masaya at matapang ay ang kahulugan ng salitang pagkatalo. Tinitigan kong mabuti ang paligid, walang anumang pagkawasak na naganap, halos walang senyales na may labanang naganap. Ganito kalaki ang pagkakaiba sa lakas namin at ng kalabang hinaharap namin. Nahuli ako ng dating, Wala na sa'min si Luisa. Natalo kami.
- Lean, matapos datnan si Miko sa lugar kung saan ito iniwan nina Jay at Luisa.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 121: Pagkatalo
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ika-labing dalawa ng hatinggabi...
Naalimpungatan si Amabii na nagsisimula pa lamang lumalim ang pagtulog, kinusot ang kanyang mata at tinignan ang orasan at ilang sandali ay ang paggalaw ng kamay nito na nagpapatakbo ng bawat segundo. Hindi niya maintindihan kung bakit tila sinasabi ng kanyang isipan na lumabas siya ng kwarto pero ganun pa man ay ganoon na nga ang kanyang ginawa.
Dinig ang paglangitngit ng pinto dahil sa pagbukas niya dito.
At nagsimula siya maglakad hanggang sa hindi niya inaasahan ay nakasalubong niya si Agape...
"Huh?" Reaksyon ni Agape na namumungay pa ang mga mata
"Gising ka pa din?" Tanong naman ni Amabii
"'Di ako makatulog, gutom siguro ako..."
"Samahan na kita."
"May isang lata pa ng chocolate chips sa kusina di'ba?"
"Yun na lang ata yung natira, maaga na lang ako mamimili bukas, magpapasama na lang ako kay ate Luisa."
"Anong oras kaya sila nakauwi?"
"Siguro naman tulog na rin silang dalawa. Bukas ko na lang pagku- kwentuhin si ate Luisa." Natatawang sinabi ni Amabii
Hanggang sa narating na nila ang kusina at labis silang nagulat sa kanilang nasaksihan...
"M-mochi?" Reaksyon ni Agape
"Aba gising ka din?!" Sabi naman ni Amabii
"Nagutom ako e..." Sagot ni Mochi
Agad na lumapit si Agape para kunin ang lata ng chocolate chips na nasa harapan ni Mochi ngunit nadismaya lamang siya ng makitang wala na iyong laman.
"Hayyy... hindi ka man lang nagtira kahit isa Mochi." Sabi ni Agape sabay hinga at upo sa tabi ni Mochi
"Nagugutom pa nga ako, hindi ako makatulog..." Sagot naman ni Mochi
"Pano yan Agape wala na tayong pagkain?" Tanong ni Amabii
Biglang tumayo si Agape sabay sabi ng "Makapag-timpla na nga lang ng gatas."
Bigla naman nilang narinig ang isang pamilyar na boses na sumabat sa kanilang usapan...
"Di rin pala kayo makatulog?" Tanong ni Russel pagkapasok niya sa kusina
"Oh! Ano bang nangyayari sa'tin?" Gulat na reaksyon ni Agape
Napakamot naman ng ulo si Russel at natawa habang sinasabing "Kanina ko pa rin sinusubukang matulog pero ewan ko ba..."
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...