TM 130: Mukha

10 1 0
                                    


Sa gitna ng kadiliman ng gabi ay tahimik na nakaupo ang lalaki sa bintana ng kanyang kwarto habang tinatanaw ang bilog na buwan, at kung papaanong walang pag-galaw ang mga ulap sa paligid nito ay ganoon din naman walang pagbabago na mababakas sa mukhang ng lalaking nakatanaw dito.

At bumukas ang pinto ng kwarto...

"Pinagamit mo sa'kin ang kwartong ito pero papasok ka rin kung kailan mo gustuhin?

Ito ang tanong ng lalaki nang makita ang babaeng nagbukas ng pinto.

"Inilipat na ni papa sa pangalan ko ang mansyon na ito noong kaarawan ko.

Makaluma kung titignan mula sa labas pero gamit ang teknolohiya ay mabubukan ko ang kahit anong pinto dito gamit lang ang mga daliri ko."

Muling ibinaling ng lalaki sa buwan ang kanyang atensyon at muling nagsalita ang babae...

"Ngayong hindi na natin kasama si papa, pwede na kitang komprontahin."

At nagulat ang lalaki kaya naman muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa babaeng kumakausap sa kanya.

"Ikaw ba ang pumatay kay Ginoong Morell?"

Pumanaog ang lalaki mula sa pagkakaupo sa bintana at tumayo bago ibinalik ang tanong sa babae...

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nawala ka noong dumilim ang paligid dahil sa biglang pagkawala ng ilaw."

"Ang totoo tumayo na rin agad ako noong biglang nawala ang liwanag. Bakit mo ko tinatanong ng ganito gayong sinabi naman ng mga pulis na isang sniper mula sa kabilang gusali ang pumatay kay Morell?"

Nang marinig iyon ay ngumiti lamang ang babae at dahan-dahang itinaas ang kanyang kanang palad...

"Sabihin mo, nakikita mo ba 'to?"

At sa ibabaw ng kanyang palad ay unti-unting nabuo ang apat na kulay asul na bagay na mistulang talulot ng bulaklak at umikot-ikot iyon sa ibabaw ng kanyang palad.

"Nakikita ang kamay mo?" Reaksyon ng lalaki

"Kamay ko lang ba ang nakikita mo?"

"Ano bang pinagsasasabi mo Emma?" Tanong ng lalaki

"Ruel Gil. Ilang araw na kong naghahanap ng impormasyon tungkol sa pagkatao mo, pamilya, eskwela, mga naging trabaho, walang kahit na ano tungkol sa'yo. Nagdilim noon at bigla kang nawala, pagkatapos ay may pumatay kay Ginoong Morell. Nng magbalik ang liwanag ay nandoon ka na muli." Madiing sinabi ni Emma sa kanyang kausap

"Dahil nandoon naman talaga ako. Imposible para sa isang tao na..."

Pero hindi pa natapos ng lalaki ang kanyang paliwanag ay bigla na muling nagsalita si Emma!

"Sige, mamatay ka na."

Pagkasabi noon ay lumipad patungo sa lalaki ang mga talulot na nasa ibabaw ng kanyang palad!

Pero...

Biglang nabalot ng nagliliwanag na enerhiya ang lalaking nasa harapan niya at mula sa kanya ay nanggaling ang isang pwersa na mistulang ihip ng hangin na tumangay sa mga talulot.

"Pinagtangkaan mo kong patayin para lang makuha ang sagot? Dahil dyan hindi ako magiging mabait sa'yo kahit bata ka lang." Seryosong sinabi ni Ruel

At bigla siyang natigilan nang ngumiti muli si Emma sa kanya...

"Pula para sa pag-atake, asul para sa depensa, at berde para gamutin ang mga sugat. Nahuli kita gamit lang ang kulay asul."

- - - - - - - - - - - - - - -

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon