Chapter 21: Determinasyon

46 33 0
                                    

Nagtungo sina Giel at Lean sa tabing dagat at inabutan nila doon si Miko na nasa kalagitnaanng pananahimik at kitang-kita nila ang spiritual na enerhiyang dumadaloy sa katawan niya...

"mukhang nagising sya ng maaga ah..." Bulong ni Len"himala." Dagdag ni Giel

Nagulat silang dalawa ng biglang tumayo si Miko at bumuo ng Spirit Ball sabay bato nitopatungo sa punteryang bato na nasa gitna ng dagat...

"Aaah! Spirit Ball!" Sigaw ni Miko

Naglakbay ang Spirit Ball sa dagat ngunit naglaho na ito malayo pa lang bago nito maabot angbato. Hingal na hingal si Miko at halatang pagod na pagod na, lumingon siya at nakita angdalawa na nakatingin sa kanya.

"Dyan pala kayo..." Sabi ni Miko habang hinihingal

Mas lalong ikinagulat nila Giel at Lean ng makita sa mukha ni Miko na bukod sa pagoday puyat na puyat at nanlulumo na ang mga mata nito.

"Wait lang ha..." Sabi ni Miko sabay upo at sinimulan na namang manahimik

"Mukhang seryoso ah..." Bulong ni Giel sabay ngiti

"Oo nga eh." Sagot ni Lean

Bigla na lamang sinuntok ni Giel si Lean pero nagawa naman itong salagin ni Lean gamit ang kanyang espada.

"Sabi ko na nga ba eh..." Sabi ni Lean na nakangiti

"Kaya nga tayo pumunta dito di ba?" Sagot ni Giel sabay atras palayo kay Lean.

Inikot-ikot ni Lean sa kamay niya ang espada at sinabi 

"Pasensyahan na lang kung mahihiwa kita ngayon..."

"Talaga lang ha?" Sagot ni Giel na unti-unti na namang binabalot ng Spiritual na enerhiya ang katawan.

- - - - -

Samantalang, sina Luisa at Amabii ay naglalakad-lakad paikot sa FAT ng mga orasna iyon...

"Naisip ko lang, gusto kong makatulong sa kanilang lahat..." Sabi ni Luisa

"Ha?, ang ibig mong sabihin gusto mo rin makipaglaban dun sa mga diyablo? Nakalimutan mo na ba si Django, nakakatakot sila at baka maging pabigat pa tayo kung sasamatayo sa mga labanan. Pero kung gusto mo..., eh basta ayaw ko." Sabi ni Amabii

"Gusto ko ngang makipaglaban kasama sila pero marami namang paraan ng pakikipaglabansa kasamaan. Hindi ako naniniwala tayong magagawa." Paliwanag ni Luisa

"Pero syempre sasabihin nila, lalo na si kuya Miko na ayaw nilang masaktan tayo.. I mean ikaw pala. Pero kung tutuusin baka maging pabigat pa tayo." Sabi ni Amabii

"Pero di ba nagiging pabigat na rin tayo dahil wala tayong ginagawa?" Tanong ni Luisa

"Urghh! ano ka ba ate Luisa ang kulit mo." Reaksyon ni Amabii

Habang nag-uusap ay narating nila ang tabing dagat at nasaksihan nila ang labanang nagaganap sa pagitan nila Giel at Lean...

"Oh my God!" Sabi ni Amabii ng makita ang nagaganap

"Miko awatin mo sila!" Sigaw ni Luisa kay Miko na nananahimik pa rin 

Wala namang reaksyon na nanggaling kay Miko kaya muling inulit ni Luisa ang pagsigaw ngunit wala pa ding reaksyon si Miko.

"Hindi pwede to." Sabi ni Luisa sabay takbo papunta sa loob ng FAT

Sumunod naman si Amabii kay Luisa

"Kailangan malaman ito nina Master Nok." Sa isip ni Luisa

Pagliko ni Luisa papasok sa pinto ay nabangga niya si Beth na noon ay papalabasnaman kasama ni Karla...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon