Dahan-dahang bumangon si Venoch at ng makatayo ay inilapat ang kanyang kamay sa kanyang sariling mukha...
"Ganun ba? Sige, bago ko kayo tapusin ay..."
At sunod ay dahan-dahang tinanggal ni Venoch ang piring sa kanyang mga mata.
At doon ay nabanaag ng mga taong nasa harapan niya ang kulay pulang mata ng diablong kanilang kinakalaban.
"At anong ibig sabihin niyan? Kung sinasabi mo ngayon na pumapartida ka lang ay hindi pa rin ako natatakot sa'yo." Sabi ni Miko
Banayad pero malalim na tawa lamang ang isinagot ni Venoch....
"Tsk, dalian mo na at tapusin na natin 'to!" Sigaw ni Miko
Pero biglang sumigaw si Erryel...
"Mag-iingat ka Miko! Hindi na gagana sa kanya ang parehong taktika ngayong ginagamit na niya ang mga mata nya."
"Ibig sabihin, sadya nya lang piniringan ang kanyang mga mata para mapalakas pa ang kanyang kapangyarihan sa paggamit ng tunog sa pakikipaglaban." Dagdag ni Cjay
"Ha! ang sabihan mo kinakabahan ka na sa mga atakeng ginawa ko kaya gagamitin mo na ang mga mata mo sa laban!" Pagyayabang ni Miko
Ngunit tawa lamang ang muling isinagot ni Venoch na naging dahilan para mapikon si Miko na agad lumundag para sugurin siya.
"Tignan natin kung makatawa ka pa ngayon!" Sigaw ni Miko habang papalapit ang kanyang kamao kay Venoch
Subalit madali lamang sinalo ni Venoch ng isang kamay ang kamao ni Miko...
"Talaga bang nagmamadali ka ng mawala?" Seryosong tanong ni Venoch
At habang hawak-hawak ang kamao ni Miko ay nagkasalubong ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang sandali ay ramdam ni Miko ang malalim at malamig na tingin ng kanyang kalaban na naging dahilan para bigla niyang hugutin ang kanyang kamao at lumundag paatras...
"Lagot na, siguradong hindi na kasing dali ng kanina ang sitwasyon." Komento ni Daniel
At isang pamilyar na tinig naman ang narinig nila na nanggaling sa kanilang likuran...
"Nagmamagaling na naman ba siya?"
Nilingon nina Erryel, Cjay, at Daniel ang pinaggalingan ng boses at nakita nila si Lean na hawak-hawak ang isang batang babae.
"Hayyy si Miko talaga." Reaksyon ni Lean
"Sino naman siya?" Tanong ni Erryel habang tinitignan ang bata
Pero sa halip na sagutin si Erryel ay sinigawan ni Lean si Miko...
"Hoy! Kung gusto magpasikat dyan ayos lang pero sana hindi mo iniwan si Claud ng mag-isa!"
Lumingon naman agad si Miko, tumawa, at nagkamot ng ulo...
"Haha! Alam ko naman kasing parating ka na kaya ligtas siya dun."
Naglakad si Lean palapit kina Erryel habang nagsasalita...
"Hay naku naman, di bale, teka..."
Natigilan si Lean dahil napansin niya na wala ng piring sa mata ang diyablong nakalaban nila. At nasundan ulit iyon ng tawa ni Venoch...
"Tsk, ano ba talagang nakakatawa?!" Galit na sigaw ni Miko
"Sinong mag-aakalang ang isang hamak na mortal na katulad mo ay nakatadhanang makaharap ang prinsipe ng kadiliman, kahabag-habag." Natigilan silang lahat sa narinig na sinabi ni Venoch!
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...