Chapter 39: Maligayang Pagdating!

25 12 0
                                    


"Arrgh..." Sigaw ni Asmo na nagbalik na sa isa nyang katawan na naiwan sa loob ng kastilyo upang maka-iwas sa Spirit Ball ni Miko

"Hahaha... mahina at wala ka talagang kwenta." Pangungutya ni Tera

Sa sobrang inis ay sinuntok ni Asmo ang sahig at saka sinabi...

"Sisiguraduhin kong di na sila makakalabas dito ng buhay!"

Sa puntong iyon ay nakabalik na sa kwarto si Dilan at nasa likod nya ang isang imahe ng taong may hawak na malaking matalim na sandata...

"Hmm... inilabas ko sya pero mukhang di naman na sya kakailanganin lalo na ngayong kaharap na nila si Leo." Sabi ni Dilan

"Hahaha! Pwede pa rin naman tayong sumali sa kasiyahan hindi ba?"

Sagot ni Tera na biglang naglabas ng masamang enerhiya

- - - - -

"Humanda kayo." Biglang sabi ni Janine 

Nang marinig iyon ay napatingin silang lahat kay Janine na noon ay diretso pa rin ang tingin sa palasyo...

"Napakarami nila..." Dugtong ni Janine

Unti-unti ng nawala ang makapal na usok na dulot ng pagsabog ng Spirit Ball ni Miko. Dahan-dahan ding nalinawan ng kanilang mga mata ang naghihintay sa kanila sa likod ng entrada ng kastilyo.

Hindi lamang ang malaki at makulay na roller coaster ang napansin nila kundi ang dalawang daang diyablo na may iba't ibang hugis at anyo!

"Mas marami ito kaysa nung nakaraan."

Sabi ni Beth

Gulat naman ang bumalot kina Miko, Giel at Lean dahil iyon ang unang pagkakataong nakakita sila ng napakaraming diyablo na nag-aabang sa malawak na hardin ng kastilyo. Humakbang si Karla pasulong at sumunod na din silang lahat.

"Maligayang pagdating!" Pagbati ni Leo na gitnang harapan ng mga diyablo

Tinitigan nilang mabuti si Leo. Ang malaki nitong katawan, ang nangigigil na kamao nito, at ang malagong buhok nito na lampas leeg ang haba.

"Siya ba ang leader nila?" Tanong ni Lean

"Malamang pinag-uuto lang nila ang mga yan." Sagot ni Mochi

"Karla..." Bulong ni Beth sabay tingin sa paligid

Tumingin din sila sa paligid at nakitang nakakalat sa sahig ang ilang mga bahagi ng katawan ng tao. Kinilabutan sila sa nakita...

"Bwahahaha! Magiging ganyan din kayo sa ilang sandali!... Alam ko na, isasabit ko ang mga katawan ninyo bilang pamalit sa pintong sinira ninyo, Bwahahaha!" Sigaw ni Leo

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Miko na diretsong nakatingin kay Leo

Nagulat ang lahat sa reaksyon ni Miko at napatingin sila dito.

Nagpang-abot din ang mga mata nila Miko at Leo at nagkatinginan sila ng ilang sandali bago ngumiti si Leo at nagsimulang maglakad patungo sa likod ng mga diyablong kasama niya. Kasunod noon ay umambang susugod ang mga diyablo.

"Tsk, eto na sila." Sabi ni Lean sabay inilabas nya ang kanyang espada

Ngunit natigilan sila ng maramdaman ang isang malakas na enerhiyang naggagaling sa likod nila. Lumingon sila at napagtantong galing iyon kay Janine. Si Beth naman ay dali-daling hinawakan si Janine.

"Huwag mong gawin yan. Alam mo naman ang nangyari noong huling beses mo pinwersa ang sarili mong gamitin ang kapangyarihang yan." Sabi ni Beth kay Janine

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon