"Tatlumpung minuto, tatlumpong minuto na lang ang itatagal ng harang na ito na ginawa ni Erryel. Kung walang darating, mapipilitan kaming lumaban para makatakas man lang dito."
Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Cjay at pagkatapos ay tinignan niya ang kasamang si Daniel na tumango agad bilang pahwiatig na naintindihan niya ang nasa isip ng kasama.
Masinsinan namang pinagmamasdan ni Erryel ang diyablong si Venoch na nakaupo lamang habang nakatingin sa kanila mula sa kulang-kulang sampung metro distansya...
At dahan-dahang sinubukan ni Erryel na alisin ang baluting ginawa niya ngunit hindi iyon nakaligtas sa obserbasyon ng kanilang kalaban na agad lumundag upang salakayin sila!
Hinataw ni Venoch ang kanyang plawta ngunit nagawa naman ni Erryel na ibalik ka agad ang baluti upang mapigilan si Venoch.
"Tsk. Hindi niya talaga ako bibigyan ng pagkakataong magpahinga..."
Hinampas ni Daniel ng kanyang kamay ang baluti at may dumadagundong na tunog muli na nalikha at kasabay noon ay tila may pwersang tumulak kay Venoch palayo ng ilang metro.
"Hihihihahahaha!" Malakas na paghalakhak ni Venoch na sinundan niya ng mensaheng...
"Pinapatagal niyo lamang ang paghihirap ninyo. Bago ako dumating dito ay may nakalaban akong dalawang tao. Kung sila ang hinihintay ninyo ay balewala na dahil tinapos ko na sila kanina."
- - - - -
Pinuno ni Lean ng enerhiya ang kanyang espada at habang nasa ere ay mabilis siyang humiwa ng paikot.
Ngunit...
"I-imposible... walang epekto ang spiritual na enerhiya?"Sa isip ng nangangambang si Lean
Sinimulan muli ni Lean ang pagtakbo ngunit tumakbo rin ang dambuhalang gorilla para habulin siya...
"Ang mga kalaban namin, posible ba talagang nakagawa sila ng Spirit Artifact na kayang balewalain ang spiritual na enerhiya?"
Iyon ang malaking palaisipan na tumatakbo sa isipan ni Lean Subalit sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay hindi niya napansin na may inihagis patungo sa direksyon niya na malaking bato ang kalabang humahabol sa kanya at ng makalingon siya ay bahagya pa rin siyang natamaan sa kabila ng pagsubok niyang iwasan iyon kaya naman bumagsak siya sa sahig.
Lumundag muli ang gorilla patungo sa kanyang direksyon at habang sinisimulan pa lamang ni Lean bumangon ay napagtanto niya na hindi na niya magagawang umiwas pa...
"Hindi!" Sa isip ni Lean
At habang nakatingala at hinihintay ang susunod na mangyari ay kitang-kita niya kung paanong nahati sa napakaraming hiwa ang dambuhalang gorilla at mistulang naitulak pa palayo sa direksyon niya.
Bumagsak ang pira-pirasong katawan ng walang buhay na gorilla sa sementadong sahig.
"Paanong?" Gulat na tanong ni Lean sa sarili bago niya narinig ang tinig ng isang lalaki
"Napaka-swerte ko naman ata..."
Tumingala si Lean sa isang malapit na gusali kung saan niya narinig na nanggaling ang boses at nakita nga niya ang isang lalaki na lumundag pababa at lumapat ang mga paa sa ibabaw ng gorillang nagkapira-piraso.
"Sino ka?" Tanong ni Lean
"Hindi ko inaasahan na makikita ko sa ganitong lugar ang hinahanap ko." Sagot ng lalaki
Napahigpit ang pagkakahawak ni Lean sa espada matapos marinig ang sinabi ng lalaking nasa harapan niya...
"Ang sabi ko, sino ka?!" Sigaw ni Lean
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...