Chapter 85: Spirit Thunder Ball!

10 5 2
                                    


At unti-unting inilapit ni Venoch ang kanyang plawta sa kanyang bibig ngunit bago niya tugtugin iyon ay kanyang sinabing...

"Nga pala, may dalawa pa akong tao pa akong nakita sa mapait mong hinaharap..."

"Wala na akong pakialam sa kung ano pang sasabihin mo, tapusin na natin 'to!" Sagot ni Miko

Maikli at malalim na tawa ang lumabas galing kay Venoch bago siya sumagot...

"Sigurado ka?... Kung sa bagay iiwan ka rin naman nila."

"Tsk." Reaksyon ni Miko sa narinig

"Malakas ang enerhiyang bumubuo sa bolang nasa kamay niya, hindi ko dapat siya bigyan ng pagkakataong magamit iyon."

Tinignan ni Venoch sandali ang mga taong nasa paligid nila at pagkatapos ay sinimulan na ang pagtugtog...

"Ibang klaseng tunog!" Iyon ang naisigaw ni Erryel matapos marinig ang musikang nanggagaling sa plawta.

"Problema 'to, maraming madadamay kapag ibinato ko ang Spirit Ball na ito, hindi ko rin alam kung anong magiging epekto ng kuryenteng bumabalot dito ngayon." Sa isip ni Miko

"Tignan niyong mabuti!" Sigaw ni Daniel sabay turo kay Venoch

At doon ay nakita nila na mayroong napakalaking kulay itim at lilang enerhiyang bumalot kay Venoch...

"Plano niyang kontrahin ang lakas ng Spirit Ball ni Miko?" Iyon ang naisip na eksplanasyon ni Lean

Tinignan naman ni Miko ang paligid at napagtanto niya na walang anumang pagbabago sa mga taong nasa paligid...

"Mukhang hindi niya kino-kontrol ang mga tao."

Ibinalik muli ni Miko ang tingin sa diyablong nasa kanyang harapan na nag-uumapaw na sa kapangyarihan. Ngumiti si Miko at nagsalita ng malakas...

"Tapos na kong maging madamot. Tapusin na natin 'to Lean!"

Agaran namang lumundag si Lean papunta sa tabi ni Miko ng may ngiti...

"Yan ang gusto ko marinig."

"Sayang, mas masaya sana kung nandito si Giel." Sabi ni Miko

Tinignan naman ni Cjay si Erryel at sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata ay agad na tumango si Erryel bilang pagpapakahulugan na nagkaintindihan na silang dalawa sa plano. Naglakad si Cjay papalapit kina Miko at Lean...

Nang makalapit sa dalawa ay agad niyang hinawakan sila sa balikat at mayroon siyang ibinulong...

At makalipas ang ilang segundo ay napangiti sina Miko at Lean.

"Hayaan niyo munang ako ang pumalit kay Giel." Sabi ni Cjay

"Sige ba." Sagot ni Lean

"Ayos!" Sigaw ni Miko

Tumingin naman ang batang si Claud kay Erryel at bakas sa mukha nito ang pangamba sa mga nangyayari...

"Ate..."

"Wag ka mag-alala, sandali na lang 'to." Sabi ni Erryel ng may ngiti

At nang magwakas ang pagtugtog ni Venoch ay bumagsak ang mga kamay nito at ang plawtang hawak-hawak niya ay naglaho. Kasunod noon ay yumuko ang ulo nito...

"Para siyang... puppet." Komento ni Lean sa nakita

"Humanda kayo, heto na siya." Babala ni Cjay

At sa isang iglap ay nawala sa paningin nila ang kalaban...

"Napakabilis!" Reaksyon ni Lean

"Mas mabilis pa rin ang tunog." Sa isip ni Cjay

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon