TM 102: Miko vs Lean

12 3 2
                                    

"Bakit hindi ka kumakain Master?"

Ito ang tanong ng balinkinitang dalagang may maamong mukha at buhok na hanggang balikat kay Master Nok habang magkasalo sila sa mesa...

"Ganado ka talaga kahit ikaw ang nagluto nito ha..." Sagot ni Master Nok

"Mabilis ako natututo ng pagluluto kay ate!"

"Mukhang mas sineryoso mo talaga 'to kaysa sa training mo..." Bulong ni Master Nok

"Pero ano ba kasi talagang iniisip mo Master?"

"Naalala ko lang si Kan."

"Di'ba po ang sabi nya ay maglalakbay sya para magsanay, isa't kalahating taon na rin, pero kailangan ba talaga yun?"

"Yun ang palagay nyang makakatulong sa kanya, hayyy... pero sana tumatawag man lang sya..."

Mapang-asar ngunit mahinang tawa naman ang naging reaksyon ng babaeng kausap ni Master Nok...

"Ano bang nakakatawa Mochi?" Nagtatakang tanong ni Master Nok

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 102: Miko vs Lean

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ganyang pagbati ba ang ibibigay mo sa'kin?" Tanong ni Miko

"Hindi ka naman siguro natulog lang sa bahay ninyo ng isa't kalahating taon?" Tanong ni Lean habang nakangiti na tila inaasar si Miko

Ibinaba muna ni Miko sa isang tabi ang dalawang bag na kanyang bitbit at naglakad papalapit kay Lean...

"Walang pikunan sir... nakatingin pa naman ang mga estudyante mo."

"Tamang-tama lang 'to, papakitaan ko sila ng basics ng tinuturo ko." Sagot ni Lean.

Natahimik ang lahat ng nanunuod sa kanilang dalawa at si Luisa lamang ang nagawang ngumiti sa kanyang nasasaksihan...

"Matagal talaga nilang hindi nakita ang isa't isa..." Sa isipan ni Luisa

"Aawatin ba natin sila?" Tanong ni Beth kay Karla na kapwa nya nakadungaw mula sa itaas

"Ba't di natin tignan kung gaano ang inilakas nila nitong nakalipas na isa't kalahating taon." Sagot naman ni Karla

Nang dalawang metro na lamang ang lapit ni Miko kay Lean ay tumigil sya sa paglalakad at nagtanong...

"Hanggang saan ang ibibigay natin sa laban na 'to?"

Mapang-asar na ngiti naman ang muling isinagot ni Lean na sinabayan ng pagsasabi ng...

"Walang problema kahit ibuhos mo ang lahat."

Agad na tumakbo si Miko para sugurin si Lean ng isang suntok na agad naman nyang naiwasan at agad din syang gumanti ng suntok sa sikmura ngunit ganoon din pala ang plano ni Miko kaya naman nagsalubong ang kanilang mga kamao.

Sandali silang natigilan pero sapat na ang sandaling iyon para manariwa muli sa kanila ang ilang mga ala-ala.

Lumundag papalayo si Miko upang bumwelo at gamit ang spiritual na enerhiya ay pinalakas nya ang pwersa sa kanyang mga hita at binti upang agarang lundagin si Lean.

Nagawa namang umiwas muli ni Lean sa pamamagitan ng paglundag patungo sa kanyang kanan at kagaya naman nang ginawa ni Miko ay pinalakas nya rin ang kanyang mga hita at binti at lumundag para sugurin si Miko.

Sinalo naman ni Miko ang suntok ni Lean gamit ang kanyang dalawang kamay ngunit napaatras siya nang bahagya dahil may kasamang pwersa ng spiritual na enerhiya ang suntok ni Lean.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon