Chapter 5: Lean

177 99 3
                                    

"Tigilan niyo na iyan!" Biglang sigaw ng isang tinig mula sa gubat na ikinagulat nilang lahat.

Tumingin sila sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig at nakita nilang naglalakad palabas ng gubat si Master Nok

"Waah! Nakabalik na po pala kayo!?" Tanong ni Miko

"Ang totoo lumayo lang ako sa FAT sandali para lumabas sila..." Sabi ni Master Nok sabay tingin kina Lean

"Tsk, sabi ko na nga ba at mas maraming panggulong darating..."

"Lean..." Sabi ni Master Nok.

"Ano, sasabihin mo din ba sa akin na ibalik ko sa inyo ang bagay na hindi naman talaga sa inyo?!" Sigaw ni Lean

Nagulat sina Miko at Giel sa narinig...

"Teka nga! Napakasinungaling mo, kitang-kita naman na ninakaw niyo yan mula sa kwarto ni Master Nok!" Sabi ni Miko

"Hindi mo pwedeng kunin ang katotohanan mula lamang sa isang bagay o tagpong nakita mo, tsk, mga walang alam..." Sagot ni Lean

"Para sa iyo talaga yan." Sabi ni Master Nok

Nagulat si Lean sa narinig

"Ibinilin sa akin yan ng mga magulang mo bago sila nagtungo sa huli nilang misyon..." Dugtong ni Master Nok

"Kasinungalingan! Sinabi nila sa akin na lilisanin na nila ang Ministry para magkaroon ng oras at magkasama-sama muli kami. Umalis sila para magpaalam pero hindi na sila nakabalik. At ito... ang ating naiwang ala-ala nila." Sabi ni Lean

"Hindi mo maaring ituring na di totoo ang isang bagay base lamang sa kakaunting alam mo..." Sagot ni Master Nok

Nagulat si Lean ng marinig ang pangungusap ni Master Nok...

"Malakas ang pwersa ng kadiliman na hinarap namin ng mga panahon na iyon. Inaasahan ng mga diyablo ang pagdating ng kanilang hari dito sa lupa at lumaban kaming lahat, kasama na ang iyong mga magulang para pigilan iyon..." Sabi ni Master Nok

Sumabat naman sa usapan ang kasama ni Lean...

"Lean, Bumalik na ang lakas ko, gagamitin ko na ang paraan na iyon at tapusin na natin sila..." Sabi niya

"Manahimik ka Diyablo, mamaya na kita aasikasuhin!" Sigaw ni Master Nok

Nagulat sina Miko at Giel sa narinig nila mula kay Master Nok. Natahimik at nainis naman ang kasama ni

Lean sa narinig...

"I-isa siyang diyablo?" Tanong ni Miko

"Hindi niyo pala napansin o naramdaman man lang ang bagay na iyon..." Sagot ni Master Nok

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon