Chapter 76: Dr. Mujin

15 8 1
                                    


"Waah! Anong gagawin ko?!" Sigaw ni Mochi matapos ang dalawang oras ng pag-iisip

"Pwede ko ilagay sa autopilot ito at pumunta sa baba para tulungan sila kaso dahil sinira nila ang mga radar namin, hindi na namin mapapababa ito kapag dumating na ang oras na kailangan naming umalis... hayyy... kainis!" Tumayo si Mochi...

"Ang mabuti pa gawin ko na ang kailangan kong gawin."

Iyon ang kanyang naging resolusyon.

Sinimulan niyang maglakad patungo sa isang bahagi ng Black Dove kung nasaan niya nilagay ang mga refrigerator na kanyang binili bago magsimula ang kanilang misyon...

Inilapat niya ang kanyang mga kamay para buksan ang dalawa sa mga pintuan ng mga refrigerator at sabay niya itong binuksa. Tumambad ang napakaraming masasarap at iba't ibang pagkain!

"Sa ganitong panahon, sa halip na malungkot o mag-alala, ang dapat gawin ay kumain!"

- - - - -

"Sige Lean, ano ba yung plano mo?" Tanong ni Miko kay Lean

Lumapit si Lean kay Miko at tinanong ito...

"Nasa kondisyon ka pa ba para gamitin ang Spirit Ball?"

Ngumiti si Miko at sumagot...

"He, oo naman, lalo na't nakapagpahinga na ako."

"Kung ganon, bitbitin mo yang bata, ako nang bahala sa mga taong nasa labas at dadalhin ko sila sa direksyon palay sa inyo." Paliwanag ni Lean

"Ano? Nasisiraan ka na ba? Masyadong delikado para sa'yo ang gusto mong mangyari!" Reaksyon ni Miko

"Hindi ko naman gagawin ito kung wala akong plano, isa pa ang mahalaga ngayon ay magtagumpay sa misyon natin at maihatid siya sa tatay niya." Sabi ni Lean sabay tingin kay Claudette

Sumara ang mga kamao ni Miko bilang pagtanggap sa sakrispisyong nais gawin ng kaibigan. Lumapit siya kay Claudette...

"Claud, sumampa ka sa likod ko." Sabi ni Miko sabay talikod at luhod

Ginawa naman ng bata ang inutos ni Miko...

"Kumapit ka mabuti, kahit anong mangyari ay wag kang bibitaw, okay?" Sabi ni Miko sabay tayo at ngiti

Tumingin naman siya kay Lean at tinanong ito...

"Teka, para saan naman ang Spirit Ball ko?"

"Habang tumatakbo kayo, maghagis ka maya't maya ng Spirit Ball sa himapapawid patungo sa direksyon ko. Malaki ang tsansang ang mga taong nasa kontrol ng kalaban natin ay pupunta sa direksyon kung saan nila makikita sa himapapawid ang Spirit Ball. Kung magiging maayos ang lahat makakadaan kayo ng hindi sila nakakasagupa."

Tumango na lamang si Miko at nagsimula ng maglakad patungo sa pinto palabas...

"Lean... mag-iingat ka."

Ngumiti si Lean at nagsimula na ring maglakad palabas...

"Hindi mo rin ata naintindihan, ako dapat ang nauunang lumabas." Sagot ni Lean sabay ngiti

Mabilis na tumakbo si Lean palabas at hindi naman iyon nakalampas sa atensyon ng mga taong wala sa sarili na agad nagsimulang sugurin siya.

Nagkatitigan sina Lean at Miko sandali bilang hudyat at sinimulan na rin nina Miko ang pagtakas.

Nang mapansin ni Lean na nakatalikod na sina Miko sa kanya at nagsisimula ng tumakbo patungo sa kabilang direksyon...

"Blinding Flash!"

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon