Chapter 59: Metro City

23 11 0
                                    


Isang prestihiyosong siyudad na buhay na buhay sa gabi dahil sa mga kilalang hotel at casino na nakatayo dito. Ito ang Metro City. Ito ang sentro ng komersyo at ng gobyerno bago nangibabaw ang katabi nitong Central City. Labing dalawang taon kasi ang nakakalipas ay inilipat ng gobyerno ng bansa ang mga pangunahing ahensya sa Central City para magbigay daan sa mas madaling transportasyon. Dahil doon ay sa Central City na umusbong ang mga bagong negosyo sa nagdaang mga taon bagama't ang mga dati ng kilalang establisyemento ay nanatili sa Metro City.

Tatlumpung porsyento ng Metro City ay naging residential dahil ang mga dating ahensya ng gobyerno ay napalitan ng naglalakihang mga condominium na naging tirahan ng karamihan ng mga galing sa probinsya na naghahanap ng kapalaran sa siyudad. Ang kabuuang populasyon ng Metro City... 500,000.

- - - - -

Isang trahedya ang umusbong sa Metro City kasabay ng araw ng paglisan nina Janine at Beth para magtungo sa Asylum...

"Matapos pagbabarilin at mapatay ang labing-apat na pre-school students ay agad na nakatakas ang suspect. Makalipas ang ilang oras ay natagpuan naman ang lalaking suspect sa pamamaril na nakahandusay sa isang basurahan, sabog ang ulo, ngunit hindi pa matiyak ng mga pulis ang sandatang nakapatay dito." Ito ang balita ng isang reporter sa telebisyon.

Hindi naman kalayuan sa entrada ng siyudad ay magkasama sina Mark at JK...

"Tsk. Ang dugo sa yoyo mo, ikaw ba ang...?" Tanong ni Mark

"Wala akong maisip na dahilan para buhayin pa siya." Sagot ni JK

"Alam mong disente ang taong iyon at siguradong kinokontrol lang siya ng isang masamang elemento na nasa loob ng siyudad." Paliwanag ni Mark

"Huli na ang lahat para sa kanya ng magpasailalim siya sa masamang kapangyarihan." Sabi ni JK sabay paikot ng kanyang yoyo.

Binunot bigla ni Mark ang kanyang baril at itinutok kay JK...

"Mukhang naging baluktot na rin ang pag-iisip mo." Sabi ni Mark

Ngumiti si JK bago sumagot "Sigurado ka bang sa akin mo dapat itutok yan?"

Pagkasabi noon ay tumingin si JK sa gawing kanan nila at nakita nila ang isang lalaking papalapit sa kanila at may dalang bote ng alak. Habang papalapit ang lalaki ay nagulat na lang sila dahil bigla silang binato nito ng bote.

Inasinta ni Mark ang bote sa ere at binaril ito na naging dahilan para sumabog ito. Wala na ang alak na laman ng bote pero ang gumulat sa kanila ay ang pananatili ng mga basag na piraso nito sa ere...

Itinutok ng lalaki ang kanyang hintuturo kina Mark at JK pagkatapos ay biglang lumipad ang mga basag na piraso ng bote patungo sa dalawa. Mabilis namang inihagis ni JK ang kanyang yoyo na nagliliwanag dahil sa spiritual na enerhiya.

Hinawi nito ang mga basag na pirasong patungo sana sa kanila at dumiretso ang kanyang yoyo sa ulo ng lalaki na sumabog.

"Tsk! Nasisira na talaga ang ulo mo!" Sabi ni Mark

Itinuro ni JK ang kanyang kamay sa direksyon ng Metro City at sinabing...

"Nasa loob niyan ang mga nasisiraan ng ulo."

Nanginginig man sa galit ay itinago muli ni Mark ang kanyang baril at agad na pinatakbo ang motor pabalik sa Metro City...

"Bakit hindi pa kumikilos ang Ministry?!" Ito ang malaking tanong sa isipan ni Mark

- - - - -

Kilala rin ang Metro City na tirahan ng ilang mga lider ng gobyerno at malalaking negosyante, ang dahilan ay ang lapit nito sa Central City. Sa loob ng isang malaking gusali sa Metro City ay isang pagpupulong ng ilang kilalang tao sa lipunan ang nagaganap...

"Dr. Mujin kamusta ang ating proyekto?" Tanong ng isang matandang lalaki na nakasalamin at nakasuot ng magarang damit.

"Malapit ng matapos. Kailangan ko na lang ng magiging test subject para masukat ang lakas nito..." Sagot ni Dr. Mujin

Bigla namang sumabat sa usapan ang isa pang lalaki na maliit ngunit puno ng gintong mga palamuti sa katawan...

"Ha! Hindi naman kaya kapalpakan na naman yan gaya ng ginawa mo noon na naging sanhi para matanggal ka sa kagawaran ng siyensya." Pangungutya nito kay Dr. Mujin

"Hmp! Hindi ako katulad mo at ng mga kasama mong kongresista na nagnanakaw lamang sa kaban ng bayan." Sagot ni Dr. Mujin

Ang pang-apat na lalaki na nasa kwarto ay biglang tumayo. Mataba ang mukha nito at kalbo at kapansin-pansin ang hiwa nito sa kaliwang mata na halatang pinalitan na lamang para makakita...

"Tama na yan! Dr. Mujin, alalahanin mong ang pera namin ang bumubuhay sa'yo at sa iyong mga proyekto. Kaya siguruhin mong pakikinabangan natin yan." 

Naglakad si Dr. Mujin palapit sa bintana ng gusali at tinanaw ang buong Metro City...

"Kaunting panahon na lang. Ngayon ang Metro City. Bukas ang buong mundo."

Kinuha ni Dr. Mujin ang isang remote control mula sa kanyang bulsa at ginamit iyon para buksan ang modernong pinto na nasa likod ng kwarto kung nasaan sila at mula doon ay lumabas ang anim na nakagigimbal na halimaw. Mayroong mahahabang kuko at pangil na sa isang tingin ay mababakas agad na hango sa iba't ibang hayop ngunit ang postura ng mga ito ay katulad nang sa tao...

"Gaya ng ipinangako ko sa inyo..." Pagmamalaki ni Dr. Mujin

"Mabuti pa'y subukan natin..."

Sagot naman ng lalaking kalbo na nagsalita na rin kanina.

Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang mga body guard na nasa labas lamang at naghihintay sa iuutos sa kanila. Pag pasok sa kwarto ng limang body guard ay nagulat sila sa kanilang mga nakitang halimaw at agad silang bumunot ng kani-kanilang mga baril para paputukan ang mga ito ngunit walang epekto sa mga halimaw ang kanilang mga bala. At sa paglapit ng mga halimaw sa mga body guard ay nangibabaw sa kwarto ang kanilang mga sigaw at daing...

Naglakad si Dr. Mujin palabas ng kwarto ngunit bago makaalis ay sinabi niya sa tatlong kausap...

"Magaling pa rin kung makakahanap tayo ng mga taong may kakayahan na pwede nating pag-aralan."

Tinignan ng lalaking kalbo ang gula-gulanit na katawan ng kanyang mga body guard sa sahig ngunit ang mas nakakakilabot doon ay ang ngiting nabuo sa kanyang mukha matapos makita iyon...

"Siguradong matutuwa ang iba pa nating mga kasama."

Bahagya namang nadismaya si Dr. Mujin sa nakita at nagpahaging dito bago tuluyang umalis ng kwarto...

"Hmp! Ganyan ba talaga ang ugali ng mga taong nanggaling sa militar?"

Pagkalabas ng kwarto ay nagpatuloy si Dr. Mujin sa paglakad pababa ng paikot-ikot na hagdan patungo sa madilim na basement ng gusali...

"Wala pa ang mga iyon sa perpektong nililikha ko."

- - - - -

Sa lahat ng lihim na nabubuo sa loob ng gusaling iyon hanggang sa buong Metro City, isang nilalang na may kulay asul na balat, piring sa mga mata, at puting buhok ang nakaupo ngayon sa pinakataas ng gusali, nakatanaw sa buong siyudad habang tumutugtog ng plawta...

"Sige, sumayaw kayong lahat. Pasayahin niyo ako."


[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon