Kumakaripas ng takbo si Mr. Ganja kasama ang isang bodyguard ng masalubong nila
si Amabii...
"Ninong, ano pong nagyayari?" Tanong ni Amabii
"Sumama ka na lang" Sagot ni Mr. Ganja sabay hila kay Amabii
"T-teka po... si ate Luisa?" Tanong ni Amabii habang hila-hila siya ni Mr. Ganja
"Basta" Sagot nito
- - - - -
Sa patuloy na pagtakbo sa loob ng mansyon ay narating nila Miko ang isang lugar
kung saan may tatlong nagsasangang daanan...
"Ano ito?" Tanong ni Giel
"Kakaiba ang pakiramdam ko dito..." bulong ni Lean
"Kailangan nating mamili ng isang daan?" Tanong ni Miko
"Pwede rin tayong maghiwa-hiwalay para mapabilis ang paghahanap..."
Suhestiyon ni Giel
"Anoman ang piliin natin siguradong may patibong na naghihintay sa atin."
Sabi ni Lean
"Malabo... walang mag-iisip na lagyan ng mga patibong para sa tao ang sarili nyang
bahay." Ani ni Giel
"Baliw ang Mr. Ganja na yon, hindi natin masasabi yan..." Sagot ni Lean
Natahimik sandali ang tatlo at pinakiramdaman ang bawat daanan, kung tutuusin ay
wala naman talagang kaduda-duda sa tatlong daanan na iyon.
"Maghiwa-hiwalay tayo" Biglang sabi ni Miko
Nagkakatitigan ang tatlo matapos sabihin ni Miko ang pangungusap na iyon...
"Mas makakasiguro tayo kung magkakasama tayong tatlo pero lalaki ang
tsansa na matakasan nila tayo..." Sabi ni Giel
"Sige, dito ako sa kaliwa." Sabi ni Lean
"Ako na sa kanan, ikaw na sa gitna Miko. Anuman ang mangyari magkita-kita uli tayo
sa lugar na ito." Sabi ni Giel
"Ok!" Sigaw ni Miko
"Nga pala, Miko, wag ka basta-basta magtitiwala dun sa babae, hindi pa natin sya
lubusang kilala..." Paalala ni Lean
Hindi na sumagot si Miko bagkus ay nagsimula na syang maglakad, gayon din naman na
ang ginawa nina Giel at Lean.
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...