TM 132: Ruel

15 3 1
                                    

Nagtungo si Ruel sa parking space kung saan inaasahan nyang nandoon pa si Mr. Daemon. Mabilis at maingat syang lumapit sa sasakyan nito ngunit siya ang lubhang nagulat sa kanyang nasaksihan...

Bukas ng bahagya ang pinto ng sasakyan at mula sa labas noon ay natanaw nya ang walang buhay na mga tao. Agad naman niyang tinawagan si Israel...

"May nauna sa'kin. 'Wag kang aalis sa tabi ni Emma."

Ang hindi napansin ni Ruel ay may mga matang nagmamasid sa kanya ng mga sandaling iyon.

- - - - - - - - - - - - - -

TM 132: Ruel

- - - - - - - - - - - - - -

"May problema ba?" Tanong ni Emma

"Mukhang wala ng buhay si Mr. Daemon ng datnan niya." Sagot naman ni Israel

Bahagya naman napangiti si Emma sa kanyang narinig at habang naglalakad sila sa pasilyo ng ika-anim na palapag ng gusali ay kanyang sinabi...

"Parang mas nagiging exciting ang araw na 'to."

Pagkasani noon ay tumingin siya kay Israel at agad naman iyon naintindihan ni Israel dahil kanina pa rin nya batid na mayroong tatlong taong sumusunod sa kanila...

"Prinsesa, kapag lumiko tayo sa pasilyong 'yan, iiwan muna kita sandali."

"Sige lang." Sagot naman ni Emma

Patuloy naman sa pagsunod ang tatlong lalaki sa kanila at nang makaliko sila sa pasilyo ay tumigil muna ang tatlo para makiramdam at nang siipin ng isa sa kanila ay nagulat ito dahil mag-isa na lamang naglalakad ang babae.

"Nawala yung body guard."

"Baka pumasok sa isa sa mga kwarto. Pagkakataon na 'to."

Pero nanigas sila sa gulat ng marinig ang isang tinig na galing sa kanilang likuran...

"May gagawin ba kayo?"

At sa paglingon nila sa kanilang likuran ay nakita nila ang matipunong body guard na kanina lang ay kasama ng babaeng kanila sinusundan...

"P-papaano?" Nanginginig na tanong ng isa sa kanila.

- - - - -

Kasabay naman ng tagpong iyon... sa loob ng isang malaking silid na bumubuo sa kalahati ng buong ikasampung palapag ng gusali...

Si Ginoong Nobu na tahimik na nakatanaw sa labas ay nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid.

"Sinong..." Pero natigilan siya ng makita ang isang lalaking nakasuot ng maskera...

Wala naman anumang isinagot ang lalaki sa kanya at sa halip ay nagsimula itong maglakad papalapit sa kanya. Nilakasan naman ni Ginoong Nobu ang kanyang loob at naglakad din para salubungin ang lalaking naka-maskera...

"Binili ko ang silid na 'to at siniguradong hindi tatagos ang bala sa mga salamin na 'yan, pero sa halip na isang sniper ay mayroong nagpadala ng assasin dito mismo sa kwarto ko. Nagawa mo rin talunin ang apat na nagbabantay sa labas."

Wala namang isinagot ang lalaking naka-maskera at sa halip ay hinawakan nya sa leeg si Ginoong Nobu at isinandal sa pader...

"S-sabihin mo m-magkano ang ibinayad sa'yo, dodoblehin... ti-triplehin ko." Alok ni Ginoong Nobu na nahihirapan ng huminga

Nagalit naman ang lalaking naka-maskera at gamit ang kanyang kaliwang kamao ay sinuntok nya ang pader na katabi ng mukha ni Ginoong Nobu!

"Hindi kayang bilhin ng pera nyo ang lahat kaya nakipag-sabwatan kayo sa mga diyablo sa pag-asang magiging makapangyarihan pa din kayo kapag dumating ang sinasabi nilang araw ng paghahari nila sa daigdig."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon