Chapter 54: Aklat

20 12 0
                                    


"Nagawang makamtan ni Hel ang kapangyarihan ng Sacred Spirit matapos niyang pag-aralan ang taong iyon, obserbahan na lang muna natin si Hel sa ngayon." Suhestiyon ni Master Eddie

"Isa rin naman talaga iyan sa mga ipinunta ko dito." Sagot ni Master Nok

"Pero nga pala, sa anong pangalan ninyo tinatawag ngayon ang taong nagtataglay ng kapangyarihang iyon?" Tanong ni Master Eddie

"Giel." Sagot ni Master Nok

Tumalikod si Master Eddie at napahinga ng malalim. Alam ni Nok na nabahala ito kaya kanyang itinanong...

"May problema ba?"

"Wala naman, nakaka-awa lang talagang isipin na may taong katulad niya na wala ng pinanghahawakan na permanenteng pagkakakilanlan." Sagot ni Master Eddie

Hinawakan sa balikat ni Master Nok si Eddie at sinabing...

"Hindi pa huli para itama ang mga naging pagkakamali. Sinabi ko na kanina na kasama iyan sa dahilan ng pagpunta ko dito."

Sa kalagitnaan ng usapan nila ay biglang sumulpot si Master Jon...

"Ha, mukhang mas lalong nagiging swabe ang mga galaw mo Jon. Akalain mong hindi namin napansin na parating ka." Sabi ni Master Nok

"Ooops, ikaw lang Nok, kanina ko pa alam na nasa paligid siya." Pagsabat ni Master Eddie

"Ano??!!" Reaksyon ni Master Nok

"Hahaha, mukhang kinakalawang ka na Nok." Pang-aasar ni Master Jon

"Hmph!" reaksyon ni Nok sabay talikod

makalipas ang ilang sandali ay hinarap ulit sila ni Nok at sa pagkakataong ito ay seryoso na ang mukha...

"Plano mo ng umalis kaagad?" Tanong ni Nok kay Jon

"Alam niyo naman na hindi ko hilig ang mga ganitong pormalidad, marami pang dapat gawin at paglaanan ng panahon." Sagot ni Jon

"Ang sabihin mo magliliwaliw ka na naman sa kung saan na hindi ka madaling mahahanap." Sabi ni Eddie

Nagsimula ng maglakad paalis si Jon ngunit ng makailang hakbang ay liningon niya muli ang dalawa at sinabi...

"Pabor ako sa iniisip mo Nok, pero huwag sana kayong gagawa ng anumang bagay na maaring makasira sa relasyon natin at ng buong ministry."

"Ha, kung magsalita ka parang alam mo ang nasa isip ko." Sagot ni Nok

"Uhhmm... kukunin mo ang aklat ng lihim ng sacred spirit technique at iuuwi mo iyon para ituro muli iyon sa kanya." Pagsabat na naman ni Eddie

"Ano?! Paano mo naman nalaman yan?" Gulat na tanong ni Nok

"Masyado ka kayang halata. Pero maiba ako, hindi ka ba nag-aalala sa mga maaring mangyari Jon?" Tanong ni Eddie

"Para saan pa ang pananalig kung mag-aalala rin naman ako sa mga bagay-bagay na hindi pa nangyayari." Sabi ni Jon at sabay talikod at tuloy sa paglakad

Habang naglalakad palayo ay itinaas ni Jon ang kanyang kamay at sinabing...

"Darating ako kung dumating ang panahon na kailanganin ako."

- - - - -

Naglalakad ngayon sina Nok at Eddie patungo sa library...

"Sigurado ka ba dito? I mean.. pwede naman tayong magpaalam sa kanila diba?" Tanong ni Eddie habang papasok sila sa library

"Bakit pa, pare-pareho lang naman tayong may access dito." Sagot ni Nok

Pagpasok sa library ay dumiretso agad sila patungo sa isang kakaibang pinto na nasa dulo ng library at itinapat ni Nok ang kanyang kamay sa bilog na nakaukit sa gitna nito at kasunod nito ay nagliwanag ang kanyang kamay sa spiritual na enerhiya...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon