Bumalik kay Mr. Ganja ang dalawang tauhan niya na inutusan nyang tumawag kay
Luisa
"Boss, ayaw talaga lumabas ni Ma'am sa kwarto" Sabi ng isa sa dalawa
"Tsk, bwisit talaga, kung kailan marami ng naghihintay ng shipping sa ibang bansa.
Hindi marunong tumanaw ng utang na loob, mula ng iwan siya ng kanyang mga magulang ay ako ng ang nagpalaki sa kanya... kaya kulang sa disiplina" Sabi ni Mr.Ganja
"Kung gusto mo ako na ang didisiplina sa kanya, siguradong magtatanda siya kapag
pinilipit ko ang payat nyang braso hahaha" Sabat ni Django na nasa likod ni Mr. Ganja
Agad siyang nilingon ni Mr. Ganja nang may galit sa mukha...
"Inaanak ko pa rin si Luisa. Isa pa, kailangan ko ang kanyang kakayahan. Bakit ba
kasi di ako biniyayaan ng ganoong kapangyarihan... kung sa bagay, ibinigay naman
yun kay Luisa para pakinabangan ko. Tara, ako na ang makikipag-usap sa kanya"
Sagot ni Mr. Ganja
- - - - -
Naglalakad sina Lean, Giel at Miko sa isang mahabang lansangan na walang katao-tao, sa dulo nito ay matatanaw ang kabundukan at nasa ibaba noon ang mansyon ni Mr. Ganja...
"Masyado tayong masaya kanina at nakalimutan nating ang layo-layo nito..."
Sabi ni Giel na may lungkot sa mukha
"Ayos lang yan, malapit na natin marating ang mansyon" Sabi ni Miko
"Sa'yo ayos lang! Ang lakas ng loob mong pumara ng taxi wala pala kayong dalang
pera!... naubos tuloy yung allowance na binigay ni Master..." Sigaw ni Giel
"Tutal sumakay na tayo bakit hindi na lang tayo bumaba sa mismong mansyon?"
Tanong ni Lean
"Hindi tayo makakapag-panggap na may business kay Mr. Ganja kung sa taxi tayo
nakasakay." Sagot ni Giel
"Kailangan pa ba talaga nating gawin yun?" Tanong ni Lean
"Mas mainam kung makakalapit tayo muna kay Mr. Ganja bago tayo gumawa ng
aksyon. Isang ektarya ang lupain, kung malalaman agad nila ang tunay na pakay natin
ay makakapaghanda sila o kaya ay makakatakas agad, maari rin nilang maitago ang
mga ebidensya." Paliwanag ni Giel
"Ah... ganun pala yun..." sabat ni Miko
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...