Chapter 74: Giel at Luisa

24 8 0
                                    


Nagpatuloy sa pagtakbo sina Luisa, Amabii, at Russel hanggang makalabas sila sa likod ng FAT ay agad silang kumaliwa sa kalsada...

"Humingi agad tayo ng tulong sa mga pulis." Sabi ni Luisa

Ngunit agad silang natigilan sa pagtakbo ng makarinig sila ng pagtawa mula sa kanilang likuran...

"Hehehe... hindi kami nagkamali na dito kayo hintayin." Pagbati sa kanila ni General Musni

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo dito?" Tanong ni Luisa kay General Musni

"Oo nga pala, hindi ako naipakilala sa iyo ng nasira mong ninong." Sagot ni General Musni

Sandaling natigilan si Luisa sa narinig dahil naalala niya si Mr. Ganja...

"Anong kailangan mo sa'min?" Muling tanong ni Luisa

"Wala akong kailangan sa inyo... Kayo mismo ang kailangan ko!" Sagot ni General Musni

"Tsk..." Reaksyon ni Russel na nagsimulang sumara ang mga kamao sa galit

"A-anong gagawin natin?" Tanong ni Amabii na nanginginig na sa takot

"Tumakas na kayo, ako na ang bahala dito." Sagot ni Russel na nagsimulang humakbang paabante kina General Musni.

Nagsimulang maghanda ang mga tauhan ni General Musni para patumbahin si Russel ngunit agad silang pinigil ng kanilang boss...

"Wag! Tamang-tamang ito at may gusto akong subukan."

"Apat. Apat na kalaban pa. Kung mangyayari ulit yung lakas na naramdaman ko kanina, baka sakaling makaligtas kami dito." Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Russel na agad napalitan ng takot ng makita ang taong lumabas mula sa isa sa mga kotse nina General Musni...

Isang malaking tao na may malaking pilat sa mukha ang naglakad papalapit kay General Musni.

"Kanina pa ako nababagot sa loob, pwede na ba akong maglaro?"

"Sige lang Chodan, basta wag mo silang papatayin lalo na ang babaeng 'yon." Sagot ni General Musni sabay turo kay Luisa

Lumusob ang malaking lalaking tinawag ni General Musni sa pangalang Chodan kina Russel. Dahil na rin sa kabang nararamdaman ay ang tanging nagawa lamang ni Russel ay ang lingonin sina Luisa at Amabii at sumigaw ng...

"Umalis na kayo!"

At pagkatapos noon ay nakaramdam siya ng labis na lakas ng bisig na tumama sa kanyang mukha na naging dahilan upang agaran siyang mawalan ng malay.

Tumilapon si Russel papunta kay Amabii na tulala rin sa nasaksihan at ang ulo ni Russel ay tumama sa ulo niya na naging dahilan para mawalan din siya ng malay at sabay silang bumagsak sa sahig.

"Russel, Amabii!" Sigaw ni Luisa na hindi man lang magawang lapitan ang mga kaibigan dahil sa nararamdamang paghahalo ng gulat at takot

"Hmmm... yun na ba 'yon?" Tanong ni Chodan matapos ang ginawa niyang pagsugod

Mula naman sa FAT ay lumabas ang apat na tauhan ni General Musni na nagawang pabagsakin kanina nina Luisa at nang kanilang makita ang mala halimaw na si Chodan...

"S-si Chodan nga! H-hindi na tayo kailangang maki-alam pa dito." Reaksyon ng isa sa apat

Humalakhak naman ng napakalakas si General Musni at sinabi kay Luisa...

"Sa napakaraming taon ng buhay ko na ginugol ko sa militar, ni hindi ako nakakita ng taong kayang tumapat sa lakas nitong si Chodan. At alam mo kung bakit?"

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon