Chapter 77: Laban ng Bawat Isa

17 9 0
                                    


"Ilang oras na tayong walang feed sa nangyayari sa loob!" Sigaw ng presidente sabay suntok sa mesa

"Pasensya na sir pero hindi namin ma bypass ang atmospheric disruption na ginamit sa Metro City." Sagot ng isang tauhan niya na nakabantay sa monitor

"Tsk, wala ng ibang paraan kundi papasukin ang militar." Bulong ng presidente

"Huwag!" Pagsabat ni Master Nok

"At sa tingin mo ba nasa kontrol niyo pa rin ang sitwasyon? Hindi ko na dapat kayo pinabayaan sa bagay na 'to." Galit na sinabi ng presidente

"Sigurado akong magtatagumpay sila. Isa pa, nauna na akong nagpadala ng back up bago pa man magsimula ito." Paliwanag ni Master Nok

"Back up?" Tanong ng presidente

- - - - -

"Astral Shield!"

Sinalag ni Lean ang kotse at ginamit ang lakas niya para ihagis patungo sa ibang direksyon ang kotse at walang mapinsalang tao.

Paglapag sa sahig ay hinugot niya muli ang espada at nakaramdam na naman siya ng pagyanig sa sahig...

"Kailangan kong malaman kung anong meron dun." Sabay tingin sa direksyon kung saan nanggaling ang dumadagundong na tunog at pagyanig na naririnig niya.

Agad na tumakbo si Lean at sa halip na umikot papunta sa kabilang bahagi ng kalsada ay inakyat niya ang isang limang palapag na gusali para agad na makatawid at doon tumambad sa kanya ang bagay na lumilikha ng pagyanig...

"A-ano 'to?" Sa isip ni Lean

Nasa harapan niya ngayon ang isang labing-limang talampakang gorilla na may apat na sungay, matatalim na kuko at pangil, at balot ng metal ang buong katawan. Winawasak nito ang mga katabing gusali na natatanaw pa ni Lean mula sa mga bintana ng gusali na may mga tao pa sa loob...

"Hindi pwede 'to."

Lumundag si Lean mula sa gusali at nilagyan ng enerhiya ang kanyang espada at kasabay ng kanyang pagbaba ay hiniwa niya sa leeg ang dambuhalang gorilla.

Ngunit hindi man lamang bumaon ang kanyang espada at sa halip ay tila nawala lahat ng enerhiyang inilagay niya doon.

Mabilis na lumundag si Lean palayo sa kanyang kalaban bago nag-isip...

"Papaanong hindi tumalab 'yon?"

Dahan-dahang ibinaling ng dambuhalang gorilla ang ulo nito sa direksyon ni Lean...

At ilang sandali pa...

Lumundag ito patungo kay Lean at kasabay ng pagbagsak nito muli sa sahig ay itinukod nito ang dalawang kamay nito na sa sobrang talim ng mga kuko at lakas ng pwersa ng pagbagsak ay bumaon sa sahig.

Nagawa naman ni Lean na umiwas at makalayo upang hindi siya mapinsala.

Pinulot ng gorilla ang isang katabing kotse at ibinato kay Lean na agad naman muling lumundag upang makaiwas.

"Delikado kung sasalagin ko ng Astral Shield ko ang mga direktang atake niya. Kailangan kong galingan ang pag-iwas."

Muling pumulot ang gorilla ng isa pang kotse at muling ibinalibag kay Lean na mabilis namang lumundag sa ere para makaiwas at makasugod palapit sa kalaban, at ng makalapit ay...

"Cyclone Slash"

Pinuno ni Lean ng enerhiya ang kanyang espada at habang nasa ere ay mabilis siyang humiwa ng paikot.

Ngunit...

"I-imposible... walang epekto ang spiritual na enerhiya?" Sa isip ng nangangambang si Lean

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon