TM 128: Pocket Two!

12 2 1
                                    

Itinutok ni Borj sa kanilang dalawa ang kanang kamay nito na nagsimula ding maglabas ng kulay gintong enerhiya.

At nagtagpo ang ginintuang enerhiya na nanggagaling sa kanyang kamay at sa katawan nina Miko at Lean at unti-unti ay nag-anyong kadena...

"Golden Chain." Bulong ni Borj

Biglang nanigas ang katawan nina Miko at Lean na mistulang pinipiga gamit ang tunay na mga kadena!

"Ughhhh... P-paanong nanggaling sa katawan namin ang enerhiya niya?" Sa isipan ni Lean

Si Miko naman ay galit na galit at pilit na sinusubukang kumawala sa kadena na gawa ni Borj.

"Grrrr... humanda ka, papatayin kita!" Mariin na sigaw ni Miko

Maikling tawa naman ang naging reakson ni Borj bago siya sumagot...

"Malamang galing kayo sa Ministry, hmmm... pero... di ko inaasahan na ganyan ang mga salitang maririnig ko mula sa isang taong kasapi ng Ministry." Sabi nito habang nakatingin kay Miko

"Tumigil ka!" Sigaw ni Miko na pilit pa din kumakawala sa kadena gamit ang kanyang spiritual na enerhiya at pisikal na lakas

Pero isang bagay ang napansin ni Lean!

"Ang enerhiya ni Miko... hindi dumadaloy ng maayos. Hindi kaya dahil..."

Ngunit bago pa man tuluyang maisip ni Lean ang dahilan ng nangyayari kay Miko ay si Borj na ang bumuo nito...

"Sa sobrang galit mo ni-hindi mo na magamit ng maayos ang spiritual na lakas mo. Papatayin mo ko? kalokohan!" At pagkatapos noon ay idiniin pa lalo ni Borj ang pagkakasara sa kanyang kamao at ang resulta ay lalong naipit ang katawan nina Miko at Lean

"A-ang taong 'to... kakaiba ang lakas niya. Tama, kanina noong sinuntok nya si Miko nilipat nya ng bahagi ng enerhiya nya kay Miko. Pagkatapos ay sinipa niya si Miko papunta sa akin at nang sandaling iyon ay nilagyan nya din ako ng enerhiya niya na nauna na niyang nilagay kay Miko."

Hindi naman nakaligtas kay Borj ang sandaling pag-iisip ni Lean...

"Mukhang naisip mo na paano ko ginawa."

Kalmado pa ring pinagpatuloy ni Lean ang pag-analisa sa kalaban habang tinitiis ang sakit na nararamdaman...

"Mga taong may mataas na kasanayan at karanasan lamang ang nakakagawa ng ganitong ka-kumplikadong pagkontrol sa spiritual na enerhiya. Nasa antas na ba siya ng isang Spriit Master?" Tanong na bumabagabag sa isipan ni Lean

"Nilagay mo samin ang enerhiya mo di'ba?" Ito ang biglang narinig ni Lean na tanong mula kay Miko ngunit sa pagkakataong ito ay nakayuko lamang ang kaibigan pero nakikita pa din ang panginginig ng laman nito sa galit

Hindi sumagot si Borj.

"Tama, ganito din ang ginawa noong lalaking nag-ngangalang Jay. Pagkatapos ko sa'yo, siya naman ang isusunod ko." Pagbabanta ni Miko

Nang sandaling iyon ay biglang naging seryoso ang mga mata ni Borj na lalong nagdulot ng pangamba kay Lean kaya naman...

"A-aalis na kami at hindi na kami babalik sa lugar na 'to. Pa-pakawalan mo na kami... pakiusap."

"Aalis? Nagpapatawa ka ba Lean?" Malalim na bulong ni Miko na nakayuko pa din.

"Miko, makinig ka, wala sakin ang Light Sword at sa itsura ng spiritual na enerhiya mo wala tayong magagawa sa laban. Walang magagawa ang galit mo." Sagot ni Lean

"Oo nga pala siguro balewala lang sa'yo to. Pero sa'kin... sa'kin... ililigtas ko si Luisa!"

At pagkasabi noon ay lumabas mula kay Miko at lumipad patungo sa kalangitan ang isang nagliliwanag na Spirit Ball!

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon