"Lampas na sa oras, hindi pa nakakabalik ang mga tauhang pinadala mo Ramutpara ikuha ako ng bata para sa hapunan." Marahan ngunit madiing sinabi ng Emperador sa kanyang kasamang may kalahating katawan ng tao at kambing.
Natawa naman si Sandra, ang may kalahating katawan ng sa isang malaking ahas, halakhak na tila ba pinapahiya si Ramut.
"Tumigil ka!" Sigaw sa kanya ni Ramut
"Hindi ka talaga maasahan." Komento naman ni Sandra
"Tsk kainis! Siguradong may ginawa na naman ang mga pakielamerong yun!" Galit na sigaw ni Ramut
Tumayo naman ang Emperador mula sa pagkakaupo sa kanyang mahabang trono na gawa sa pinaghalong tanso at bato...
"Ang tinutukoy nyo ba ay yung mga taong gumagamit ng kapangyarihang spiritual?"
"Sila na nga! Siguradong sila ang may kagagawan nito! Paunti-unti nilang tinatambangan ang mga tauhan na pinalalabas natin para magbantay. Kapag pinatagal pa natin 'to baka maubos ang mga sundalong kontrolado natin." Paliwanag ni Ramut
Lumapit si Sandra at inukutan nito si Ramut habang patuloy sa pang-aasar dito... "Sino ba kasing nagpatakas sa mga taong 'yun?"
"Hindi ko sila pinatakas!" Sigaw ni Ramut sabay subok na sampalin si Sandra pero nakaiwas ito sa pamamagitan ng pagkilos ng katulad nang sa isang ahas.
"Tama na yan Ramut." Utos ng Emperador
"Kung 'di kita tinulungan malamang tinapos ka na din nung matandang tinatawag nilang Master!" Pagsumbat ni Ramut kay Sandra
"Hindi ko hiningi ang tulong mo, kayang-kaya kong tunawin sya kung hindi siya nakatakas." Sagot naman ni Sandra
"Tigilan nyo na 'yan. Mula nang tinapos ng matandang sinasabi ninyong tinatawag nilang Master si Canos, nawalan na tayo ng kakayahang kumontrol pa ng mga tao. Bukod dun, nabawasan din ang kakayahan ng mga sundalong nagawa na nyang puppet." Sabi ng Emperador
"Ang balita ko doon sa District D ay may mga taong nagtatatag ng isang pag-aaklas." Bulong naman ni Sandra sa Emperador na tila ba mayroon siyang nais imungkahi na alam niyang maiintindihan agad ng kanyang kausap.
Bumalik ang Emperador sa pagkakaupo sa kanyang trono at sinabi...
"Ramut maghanda ka ng isang libong sundalo."
"Ano ang nais mong ipagawa sa kanila?" Tanong naman ni Ramut
"Samahan nyo sila ni Sandra at puntahan ninyo ang Distric D."
"Para hulihin ang mga taong guamgamit ng kapangyarihang spiritual?" Tanong ni Ramut
At isang malamig at walang pusong sagot ang binitiwan ng Emperador...
"Para pulbusin ang buong distrito."
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 135: Life Saga III
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nagpatuloy ang pagsasalaysay ni Micca ng mga nangyari kasabay ng kanilang pagkain ng hapunan at dahil dito ay tila nagsimula na sila mawalan ng gana...
"Nagawa ni Master Sin na pigilan ang pag-atake sa amin nung halimaw na kalahating kambing at nabigyan nya din kami ng pagkakataon pero tumakas pero..."
"Pero?" Paglilinaw ni Gilyer
Natahimik ang lahat at napasinghap nang bahagya, bakas sa kanilang mukha ang kalungkutan at pagkatalo...
At nagpatuloy si Micca...
"Pero mukhang buhay nya ang naging kapalit."
"Hindi, imposible yan!" tumayo si Gilyer para basagin ang kawalang pag-asang mababakas sa mukha nang kanyang mga kausap
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...