TM: 118: Misteryo

10 2 1
                                    

Sunod-sunod na malalalim na pag-ubo ang dumagundong sa silid kung nasaan si Borj kaya naman agad na kumaripas ng takbo papasok si Petro para puntahan ito...

"Kuya Borj!" Sigaw nito pagkapasok ng pinto

"Anong ginagawa mo dito?" Humihingal na tanong ni Borj

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Petro sabay himas sa likod ni Borj

At umubo muli si Borj...

"Kailangan na nating pumunta sa ospital, kailangang malaman 'to ni Jay agad." Pagpipilit ni Petro

"Huwag. Matagal na nating alam ang sitwasyon na ito na kinakaharap natin. Ayos lang ako."

"Pero masyadong mabilis ang nagiging paglala ng kundisyon mo kuya!"

"Hindi maaaring maabala ang atensyon ni Jay, konti na lang at maabot na niya ang mundong pinapangarap niya para sa atin." Sabi ni Borj.

"Balewala ang mundong 'yun kung hindi ka namin makakasama! Siguradong hindi yun gugustuhin ni Jay!" Sagot naman ni Petro

Napangiti si Borj sa narinig na sinabi ni Petro...

"'Wag kang mag-alala, ilihim mo na lang ito sa kanila. Hindi pa naman ako mamamatay hangga't hindi nagtatagumpay ang Union." Utos ni Borj.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 118: Misteryo

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TOK! TOK! TOK!

TOK! TOK! TOK!

"Master Nok... si Miko 'to."

"Tigilan mo na 'yan, umalis si Master Nok." Sabi ni Lean kay Miko nang makita niya itong kumakatok sa pintuan ng opisina ni Master Nok

"Ha? San naman siya nagpunta?" Tanong ni Miko

"Hindi ko alam. Kasama niya si Master Sin. Baka hanapin mo rin eh." Sagot ni Lean

"Ika-pito pa lang ng umaga, ang aga naman yata nilang umalis." Komento ni Miko

"Ano bang kailangan mo kay Master?" Tanong ni Lean

"'Di bale na, kung di sila makabalik agad, kina ate Karla at ate Beth na lang ako magsasabi." Sagot naman ni Miko sabay lakad

"Wala din sila ngayon." Biglang sabi ni Lean

Nagulat si Miko sa narinig kaya naman muli siyang napalingon kay Lean...

"Oh? Nasan naman sila?" Tanong ni Miko

Hindi agad nakasagot si Lean...

"Teka nga, magkakasama ba sila?" Sabay lakad ni Miko palapit kay Lean

"Hindi... Hindi ko alam." Sagot ni Lean

"Hindi? o hindi mo alam? Ano ba talaga? Nagdududa na ko sa'yo ah, Maaga ka nagising pero di sila nagpaalam sa'yo?" Pagkilatis ni Miko

"Si Master Nok nagsabi na sa akin kagabi pa. Yung dalawang babae naman wala na pagka-gising ko..." Sagot ni Lean

"At paano mo nalaman na wala na sila kung di mo sila nakitang umalis? Hmmm... di'ba dapat pagpapalagay mo lang na tulog pa sila kung di mo pa sila nakita mula nang pagkagising mo?" Sunod na tanong ni Miko

"Teka nga, ang dami mong tanong. Ano ba kasing kailangan mo sa kanila at hinahanap mo sila?" Pagbabalik ni Lean ng tanong kay Miko

"Ahhh... magpapaalam lang kasi sana ako."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon