"Personal na sinabi sa akin ni Amanda na siya ang bahala sa traydor. Hayaan na natin sa kanya ang bagay na yan. Balikan niyo pa rin sya araw-araw sa susunod na tatlong araw tuwing ikatlo ng hapon." Utos ni Jay
"Malaki talaga ang tiwala mo sa kanya pero paano kung makialam na ang Ministry?" Sagot ni Kurt
"Magtatagumpay ang Union." Sagot ni Jay sabay lakad papasok sa ibang kwarto ng gusali
Napangiti naman si Kurt sa naging sagot ni Jay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 104: Bomba at Traydor
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Kainan na!" Sigaw nina Miko at Mochi habang nakaupo na sa harap ng hapag kainan kung saan sila magsasalo-salo para sa hapunan
"Aba ganadong-ganado ah..." Nakangiting komento ni Beth
"Na-miss ko 'to!" Sigaw ni Miko habang masaya sa pagkain
"Bakit di'ba masarap magluto sa inyo kuya Miko?" Tanong ni Russel
"Dapat kasi pinagluluto mo sya Luisa." Pang-aasar ni Karla
"Oo nga ate!" Dagdag naman ni Amabii
Nilunok muna ni Miko ang pagkain bago sumagot...
"Sa palagay ko si mama ang pinakamasarap magluto. Di'ba Andro?"
Natigilan ang tawanan ng lahat sa sinabi ni Miko. Tumigil din naman si Andro sa pagkain para sumagot ng "oo naman." na may kasamang maliit na pag-ngiti.
"Pero masarap naman talaga tong luto mo ate Beth! At ang na-miss ko kasi ay itong magkakasabay tayong kumakain!"
At bumalik na ang ngiti sa kanilang lahat.
"Nga pala Andro, Bale magkababata pala kayo ni Miko?" Tanong ni Agape
"Ah... oo... tinuruan din ako ng papa nya, si Master Eddie." Sagot naman ni Andro
"Eh bakit nagtatago ka kanina dun sa puno?" Tanong naman ni Beth
"Baka pinapanuod nya kung pano magyabang at mapahiya si Miko." Pang-aasar naman ni Karla
Napangiti naman si Lean dahil nakita nyang napasimangot si Miko dahil sa narinig...
"Tama na nga yan, asikasuhin nyo muna ang pagkain." Utos ni Master Nok na kasalo rin nila sa pagkain
At nagngisian pa rin sila habang kumakain.
"Anong plano mo Andro?" Biglang tanong ni Master Nok
Natigilan ang lahat sa tinanong ni Master Nok na kahit mismong si Andro ay hindi agad nagawang sumagot ngunit bigla namang sumabat si Miko...
"Uhmmm dito muna siya... pwede naman di'ba?"
"Wala namang problema dun." Sagot ni Master Nok
"Pwede rin siyang tumulong sa mga misyon natin!" Dagdag pa ni Miko
"Ahhh ganun ba? Ayos lang ba talaga sa'yo yun Andro?" Paglilinaw naman ni Master Nok
Dahan-dahan munang tumango si Andro bago sumagot ng...
"Oo naman po... kung may maitutulong man."
Uminom ng isang basong tubig si Master Nok at nagpunas ng mukha bago nagpatuloy sa pagsasalita...
"Nga pala Lean, napagdesisyunan mo na ba ang plano?"
"Plano?" Pagsabat ni Agape
Blanko ang mukha nina Agape, Russel, Amabii, Miko, Luisa, at Andro sa binanggit ni Master Nok kay Lean na plano dahil wala silang idea kung ano ang tinutukoy nito...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...