TM 131: P.A.N.D.E.M.O.

9 2 0
                                    

"Mr. Phillips, tama ba?" Pagbati ni Master Nok sa isang matandang lalaking nakasuot ng magarang damit at papalabas sa kakadaong lamang na magarbong lantsa.

Agad naman hinarang ng apat na guwardiya ng anim na guwardiyang na kasama ng matanda si Master Nok at si Lean na nakasunod sa likod niya...

"At ano sa tingin ninyo ang ginagawa nyo?" Tanong ni Mr. Phillips

"Hindi ka namin pwede payagang umalis." Sagot ni Master Nok

"Hmmm?" Reaksyon ng matanda na tila napangiti lamang sa sinasabi ng taong ngayon nya lamang nakita

Dumating ang isang kulay itim na magarang sasakyan, bumaba doon ang isang sakay at pinagbuksan ng pinto si Mr. Phillips.

"Kapag tumuloy ka sa pupuntahan mong pagtitipon mamatay ka." Babala ni Master Nok

"Hindi kita kilala pero hindi ka rin naman mukhang masamang tao."

Sagot ni Mr. Phillips habang kinikilatis ang itsura ni Master Nok bago nagpatuloy sa pagsasabi ng "Pero mukhang hindi mo din ako kilala, limang-daang tauhan ko na ang nagkalat sa siyudad na ito bilang paghahanda sa aking pagdating kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Kahit isang-libo pa sila hindi ka nila mapo-protektahan." Sagot naman ni Master Nok

Tumawa lamang ang matanda at nagpatuloy sa paglakad papunta sa sasakyang naghihintay sa kanya nang bigla siyang matigilan nang siya ay mauntog sa isang bagay na di nya nakikita.

Sinalo naman siya ni Master Nok para alalayan dahil napa-atras siya.

Nang makita iyon ng kanyang mga guwardiya ay agad silang bumunot ng mga baril at itinutok kina Master Nok at Lean.

"Gawa nya ang pader na hindi mo nakita." Paliwanag ni Master Nok sabay turo kay Lean at utos na "Ipakita mo sa kanya."

At sa kaunting konsentrasyon ay nagawa ni Lean na ipakita kay Mr. Phillips ang Astral Barrier kung saan sila nakakulong ngayon. Takot na takot naman ang mga guwardiya dahil hindi nila maintindihan ang nangyayari.

"A-anong dapat kong gawin?" Nanginginig na tanong ni Mr. Phillips.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 131: P.A.N.D.E.M.O.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Hindi ko naiintindihan, bakit kailangan pa nating magpaikot-ikot dito sa dagat kasama ang matandang 'yan?" Tanong ni Lean kay Master Nok habang nakasakay sila sa lantsa ni Mr. Phillips

"Isa itong patibong. Sa oras na sumugod dito ang Union para tapusin ang matandang 'yan, mahuhuli ko sila nang walang masyadong pinsala sa ibang tao dahil nasa dagat tayo." Paliwanag ni Master Nok

Hindi naman sumagot si Lean pero nabakas ni Master Nok ang pag-aalala sa mukha nito...

"Iniisip mo papaano kung siya nga ang nakita natin sa video?" Tanong ni Master Nok

Pero taliwas sa inaasahan nya ang naging sagot ni Lean...

"Si Miko ang inaalala ko. Masyadong mabigat na ang pinagdaanan nya nang mapatay si Andro at makuha ng kalaban si Luisa. Para siyang palaging sasabog."

"Totoo yan. Pero may tiwala pa rin ako na magagawa nya ang dapat nyang gawin. 'Wag ka na mag-alala, likas na mabait si Miko at isa pa kasama naman niya sina Beth at Karla ngayon."

- - - - -

Nasa loob naman ng isang sasakyan sina Miko at Mochi malapit sa gusali kung saan nakatakdang magtipon ang P.A.N.D.E.M.O. group...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon