TM 137: Life Saga V

15 2 0
                                    


"I-ikaw ang dahilan?" Paglilinaw ni Gilyer sa sinabi ni Micca

Si Tian naman ay sumabat para ipaliwanag kay Gilyer...

"Nasabi ko na kanina ang tungkol sa kakayahan ni Micca. Yun lang ang meron kami para matalo ang emperador kaya naman kailangang unahin ang kaligtasan ni Micca hanggang sa araw na matalo natin ang emperador. Alam yun nina Nato at Edu at di sila magdadalawang-isip pa."

Pinahid naman ni Micca ang luha sa kanyang sariling mga mata at muli ay nagbalik ito sa dating matapang na itsura...

"Hindi mo ko kailangang ipatanggol at hindi ko rin yun hiningi sa kanila. Ito lang ang hinihingi ng pagkakataon. Kung may alam kang ibang paraan para matalo ang mga kalaban gawin mo."

Pagkasabi nito ay tumalikod na si Micca at nagpatuloy sa pagtakbo. Tila nainis naman si Gilyer sa narinig na sinabi nito kaya naman...

"Paano mo nagagawang sabihin yan habang nandun sila at..."

Mga salitang hindi nya natapos sabihin dahil bigla syang hinawakan ni Jovan at tinakpan ang kanyang bibig at pagkatapos ay bumulong ito...

"Unawain mo sya. Kung ikaw ang nasa sitwasyon nya at mamamatay kami para sa'yo, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo?"

Hinawakan ni Gilyer ang braso ni Jovan at pilit na tinanggal ito sa pagkakahawak sa kanya.

"Hindi ako papayag!" Pag-giit nya

"Wala ng oras para makipag-kwentuhan at hindi ka pa namin natanong pero sa palagay ko ikaw yung tipong tumalikod sa mga kaibigan mo sa Ministry para sa kapangyarihan." Mabigat na salitang binitawan ni Tian

At natulala na lamang si Gilyer.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 137:: Life Saga V

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

Makalipas ang ilan pang oras ng pagtakbo ay narating nila ang isang ilog sa dulo ng kagubatan bago magsimulang sumikat ang araw. Hapong-hapo at pawisan silang apat ay agad na pumunta sa ilog para uminom mula sa umaagos na tubig.

"Ahhhh!" Sambit ni Jovan kasabay ng paglapat ng kanyang likod sa sahig pagkatapos uminom ng tubig

Naghubad naman si Tian at agad na lumundag sa ilog...

"Siguradong may mga isda sa ganitong ilog."

"Tamang-tama nagugutom na din ako." Komento ni Jovan

Si Micca naman ay agad na naghilamos ng kanyang mukha sa ilog.

"Pasensya ka na kanina." Sabi ni Gilyer

Hindi naman sumagot si Micca na patuloy pa din sa paghihilamos ng kanyang mukha at hinugasan na din nito pati ang kanyang mga braso.

"Inakala ko lang kasi..."

"Inakala mo na hindi sila mahalaga sakin?" Tanong ni Micca

"Hindi yun ang ibig kong sabihin..."

"Mahalaga silang lahat. Ganun din ang nararamdaman ko para sa lahat ng kasama naming nauna ng nagsakripisyo para sa labang 'to. Tatalunin ko ang emperador alang-alang sa kanilang lahat." Paliwanag ni Micca

"Tutulungan ko kayo!" Pahayag ni Gilyer

Tumayo naman si Micca pagkatapos maghilamos at sinabing...

"Kumuha muna tayo ng pagkain at hintayin sina Nato at Edu."

At nagsimula ng sumikat ang araw...

- - - - -

Sumikat na din ang araw sa District D kasunod ng pagtatapos ng mahabang labanan at kaguluhan ngunit ang tanging naibunyag sa liwanag nito ay ang daan-daang walang buhay na katawan ng mga tao na tinutung-tungan ng dalawang halimaw...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon