"Nahanap na ba ang lokasyon ng mga awakening fields?" Tanong ni Master Nok.
"Nakapagtataka man pero mayroong tig-iisa sa bawat lugar natin... at ang pinakamabilis ang pagtaas ng aktibidad ay nasa lugar mo Nok." Sagot ni Master Hel.
Ito ang pinaka gumimbal kay Master Nok, isang hamon na kailangang tugunan at harapin...
At habang kasalukuyang nagaganap ang pagpupulong ng konseho ay isang malakas na lindol ang yumanig sa Meggido.
Ilang segundo lang matapos ang unang pagyanig ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan nagaganap ag pagpupulong, binuksan ito ni Jeremiah na natataranta at agad sinabi sa kanyang ama na si Master Eddie...
"Papa, kailangan na nating umalis dito!"
At pagkatapos sabihin ito ay natahimik at natulala siya sa kanyang kinatatyuan dahil ang walong Spirit Masters ay kalmado lamang na nakaupo sa kabila ng malakas na lindol.
"Huwag kang mag-panic normal lang ito." Sabi ni Master Eddie kay Jeremiah
Nangiti at bahagya namang natawa si Master Ex sa usapan ng mag-ama...
"Natural lang naman na mataranta ang isang tao sa ganitong kalamidad Eddie."
At nagwakas na ang malakas na yanig dulot ng lindol, pero ang mga sumunod na usapan ang lalong gumulat kay Jeremiah...
"Mukhaang doble ang lakas nito kumpara sa nakaraan." Sabi ni Master Sin
"Hayyst... kaya minsan ayaw ko na talagang pumupunta sa mga pagpupulong natin." Sagot ni Master Jon sabay lagay ng dalawang kamay sa likod ng ulo.
"Jon, masyado mo na namang pinagsasa-walang bahala ang mga nagaganap. Sa tuwing magsasama-sama tayo ay isang delubyo ang dumarating kung nasaan tayo, at alam nating habang tumatagal ay palakas ito ng palakas." Ito ang sinabi ni Master Vee ng marinig ang sinabi ni Jon
Huminga ng malalim si Master Hel bago nagsalita para pahupain ang namumuong tensyon, pagkatapos noon ay binuksan niya ang malaking bintana ng kwarto at ang bagay na makikita mula sa bintana di kalayuan sa kanila ang mas lalong gumimbal kay Jeremiah...
"WOW!" Sigaw ni Master Ex habang tinatanaw ang isang dambuhalang ipo-ipo na tila nalilibutan ng kidlat at enerhiyang itim na patungo sa kanilang direksyon
"Ano yan?!" Tanong ni Jeremiah na may halong panginginig ng boses sa nasaksihan ngunit tila walang nakarinig sa kanyang tanong.
"Paano natin pipiliin kung sino ang pipigil sa isang ito?"
Tanong ni Master Hel sa grupo habang nakaturo sa delubyong nasa kanilang harapan.
"Sa wakas may nangyari ding nakakatuwa..." Sabi ni Jon
"Ibig bang sabihin nyan ay gusto mong ikaw na ang trumabaho sa delubyong ito?" Tanong ni Hel kay Jon
Mabilis namang iwinasiwas ni Master Jon ang kanyang ulo sa kaliwa't kanan bilang pagtanggi sa sinasabi ni Hel. Bigla namang ngumiti si Master Eddie at hindi iyon nakaligtas sa atensyon ng lahat at ng pagtinginan sya ay kanyang sinabi...
"Bakit hindi mo ipakita sa amin ngayon ang Sacred Spirit Technique mo Hel?"
"Aba, aba, kung ganoon na master mo na pala ang kapangyarihang iyon Hel?" Pagsabat ni Master Vee
"Sa totoo lang nasa proseso pa lang ako ng pag-aaral kung paano ko gagamitin iyon. Baka may hindi magandang mangyari kung susubukan ko ngayon." Sagot ni Hel.
"Sinasabi mo bang dapat kami matakot sa'yo?" Seryosong tanong ni Eddie kay Hel
"Naku hindi, siguradong sa ngayon ako ang pinaka mahina sa kwartong ito. Nawalan ako ng panahong mag-ensayo mula ng ako ang mahirang na taga-pangalaga ng lugar na ito at ng asylum." Paliwanag ni Hel.
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...