Chapter 22: Isang Bagong Misyon

49 31 0
                                    

Kinagabihan sa malayong bahagi ng siyudad, apat na lalaki at isang babae ang naglalakad patungo sa labasan ng siyudad. Disente silang lahat tignan at Dire-diretso lamang sila sa paglakad at hindi pinapansin ang isa't isa. Umalingawngaw sa lugar ang tunog ng isangmotorsiklo na papalapit at humarang ito sa daraanan nila. Nagulat ang lima at tinitigannila ang nakasakay sa motorsiklo na bigla namang humugot ng baril at binaril sa ulo angisa sa apat na lalaki.


"Isa" Bulong ng lalaking bumaril


Bumaon at tumagos sa noo ng lalaki ang bala ngunit hindi ito nag-iwan ng butas ni ngsugat man lamang. Isang diyablo ang lumabas sa katawan ng lalaki...


"Ahhhhhh!" Sigaw nito habang dahan-dahang naglalaho.


Bumagsak sa sahig ang walang malay na katawan ng lalaki. Ang tatlong lalaki at isang babae naman na naroon ay tila nawala sa sarili at agad na sinugod ang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Mabilis naman niyang pinaputukan ang tatlo pang lalaki na tinamaan din sa noo...


"Dalawa, tatlo, apat." bulong na lalaki habang bumabaril


Katulad ng sa nauna ay tumagos ito sa bungo ng tatlo ngunit di nag-iwan ng sugat at maymga diyablo na lumabas sa kanilang mga katawan. Ang babae naman ay tumalon papalapitsa lalaki at tila galit galit ito at nangigigil ang mga kamay. Itinutok naman ng lalaki ang barilngunit masyado ng malapit ang babae sa kanya...


"Papatayin kita!" Sigaw ng babae


Biglang isang maliwanag na umiikot na bagay na nakakabit sa isang mahabang taling gawasa liwanag ang tumama sa mukha ng babae. Tumalsik ang babae, at bumagsak sa sahig.Hinila muli ng taling nagliliwanag pabalik ang umiikot na bagay. Ito pala ay isang yoyo.Tumingala ang lalaking may baril at nakita nya sa ibabaw ng isang limang palapag na gusaliang isang lalaki


"Akala ko ba hindi ka interesado JK?" Tanong ng lalaking may baril


"Nagkataon lang na nandito ako. Kung di kita nakita di naman talaga ako makikialam,libangan ba to o seryoso ka talaga Mark?"Sabi ni JK


Unti-unti ay nagsimula na namang bumangon ang babae na agad namang tinutukan ni Markng baril...


"Magic Bullet." Bulong ni Mark sabay kalabit sa gatilyo


Tumagos ang bala sa noo ng babae at isang diyablo din ang lumabas mula sa katawan nitoat unti-unting naglaho.


"Kakaiba talaga. Karaniwan ay nangugulo sila pero ngayon ay tahimik silang kumikilos.Ano kaya ang nasa likod nito?" Tanong ni Mark


"Aba malay ko. Palagay ko wala namang kakaiba. Umiikot ang mundo at pabalik-balik lang" Sagot ni JK habang naglalaro ng yoyo.


"Hayy... talaga bang wala kang pakialam kahit nakikita mo na kung anong nangyayari?...kakaiba ka talaga" Sabi ni Mark


"Pareho lang tayo..." Tanong ni JK


The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon