TM 105: Mga Desisyon

10 2 1
                                    


"Lean."

Pambungad ni Miko pagktapos buksan ang pinto ng kwarto kung saan sila magpupulong para sa gagawing misyon sa susunod na araw.

Pero nagulat siya dahil tanging si Lean ang kanyang nakita sa lugar na iyon na nakaupo na tumango lamang bilang pagtugon sa ginawa nyang pagbati.

Kasunod naman ni Miko na pumasok si Andro at bumati kay Lean...

"Magandang araw."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 105: Mga Desisyon

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Kasabay ng mga sandaling iyon ay kausap naman ni Master Nok sina Karla at Beth...

"Higit kalahating taon na kaming walang komunikasyon sa sa Ministry sa Silangan." Banggit ni Master Nok

"Kina Master Sin yun di'ba?" Tanong ni Beth

"Oo, at nagsimula iyon noong biglang nagsara ng komunikasyon sa daigdig ang grupo ng mga bansa sa silangan. Hindi na rin nila pinapayagang makialam o mag-obserba man lang ang ibang bansa sa mga nangyayari sa loob." Sagot at paliwanag ni Master Nok

"Posible kayang ipinahuli sila ng gobyerno at ipinakulong?" Tanong ni Karla

"May posibilidad na ganun nga kung iisipin na magkakonekta ang dalawang pangyayari." Dagdag ni Beth

"Tsk!" Reaksyon ni Master Nok

"May balak ka bang gawin tungkol dito?" Tanong ni Beth kay Master Nok

"Kinausap ko na sina Hel tungkol dito. Pero may punto rin sila na mahirap na basta na lamang makialam sa polisiya ng isang bansa patungkol sa pakikitungo sa iba. Napakahirap pa rin ng posisyon ng Ministry pagdating sa mga isyung politikal." Sagot ni Master Nok

"Ang ibig bang sabihin noon ay di kikilos ang mga Spirit Masters para mag-imbestiga man lang? Isang spirit master din si Sin at nakakapagtaka talaga na hindi man lamang sya makagawa ng paraan para makausap kayo." Komento ni Beth na agad sinagot ni Karla ng...

"Pero maari rin na dahil nga isa siyang spirit master kaya may dahilan siya kung bakit hindi pa niya kinakausap ang iba pa..."

"Hayyy... pinahihirapan niyo lang akong timbangin ang sitwasyon eh." Reaksyon ni Master Nok sa dalawa

at mahinang tawa naman ang naging sagot sa kanya nina Karla at Beth

- - - - -

"Teka Lean, nasan yung iba?" Nagtatakang tanong ni Miko kay Lean dahil wala siyang nakitang ibang tao sa kwarto

"Nagpaalam nga pala sila noong isang linggo pa kay Master Nok na pupunta sila sa Central City ngayong araw para sa pagpapasinaya sa One Square Building." Sagot naman ni Lean

"One Square?" Paglilinaw ni Miko

"Mukhang hindi ka man lang nakikibalita sa mga nangyayari sa bansang ito habang wala ka. Bago ka pa umalis isa't kalahating taon na ang nakakaraan ay sinimulan na ang paghuhukay para itayo yun. Iyon ang pinakamalapad na gusali sa buong mundo." Paliwanag ni Lean

"Ahh... ganun ba. 'Di bale, sa amin mo na lang muna ipaliwanag ni Andro ang detalye ng misyon bukas." Sagot naman ni Miko

At tila nagtatakang mukha naman ang naging sagot ni Lean kay Miko bago nito sinabing...

"Wala naman akong naalala kagabi na kasama ka sa misyon bukas Miko." 

Natawa naman si Miko sa naging reaksyon ni Lean at buong kumpyansang sinabi dito na...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon