Lulan ng isang espesyal na sasakyang pang-himpapawid, patungo ngayon si Master Nok sa Megiddo para sa pagpupulong ng konseho ng Ministry.
Ang pagsasama-sama na ito ng walong pinuno ng ministry para sa isang pagpupulong ay nagaganap tuwing pitong taon sa Meggido. Dito nila pinag-uusapan ang mga mahahalagang bagay na dapat aksyunan para mapanatili ang kapayapaan at balanse sa mundo. Bilang mga pinuno, silang walo ang tinuturing na pinakamalalakas at pare-parehong nasa Level 10 ng ispiritwal na antas o ang mga tinatawag na spirit masters.
- - - - -
Paglapag ni Master Nok sa entrada ng mala-templong gusali kung saan magaganap ang pagupulong ay sinalubong agad siya ni Master Eddie, pinuno ng Timog Kanluran...
"Nok! Hahaha, matagal-tagal na din!" Pagbati ni Master Eddie
"Haha! sa totoo lang parang hindi ka nalayo sa'kin ngayong kasama ko ang makulit mong anak." Sagot ni Master Nok
"Tsk, wag mong sabihin na mahilig pa rin syang gumawa ng gulo?!" Tanong ni Master Eddie
Sa tagpong iyon ay biglang sumabat ang batang kasama ni Master Eddie...
"Hmph, ano pa bang aasahan sa kanya" Pabulong na sabi nito
"Jeremiah!" Pagsaway ni Master Eddie sa batang kasama niya
Doon lamang napagtanto ni Master Nok na ang batang iyon ay ang kapatid ni Miko, tatlong taon lamang ito nung huli niyang makita at ngayon ay labing-pitong taong gulang na.
"Ohh! Ikaw pala yan Jeremiah, grabe ang bilis talaga ng panahon."
"Jeremiah, mag-mano ka sa ninong Nok mo." Utos ni Master Eddie
"Hahaha! Huwag na, ayos lang. Nandito na ba ang iba?" Tanong ni Master Nok
Nangiti sandali si Master Eddie bago niya sinabing "Ang totoo, ikaw na lang ang hinihintay."
"Waaah! Nakakahiya naman." Reaksyon ni Master Nok
At pumasok na silang tatlo sa loob ng gusali.
- - - - -
Nakaupo ngayon sa malaking paikot na mesa ang walong pinuno.
"Una sa lahat, batiin natin ang isa't isa dahil buhay pa tayo." Pambungad ni Master Hel
Si Master Hel ang pinuno ng Hilaga, at noong nakaraang pagpupulong pitong taon ang nakakaraan ay siya ang naitakda na mamumuno sa Meggido sa susunod na labing-apat na taon. At bahagi ng tungkulin na iyon ay ang ihanda ang pagdaraos ng mga ganitong pagpupulong.
"Walaa ka na bang mas nakakatakot pa na pagbati bukod dyan?" Tanong ni Master Sin kay Master Hel
Si Sin naman ang namumuno sa Silangan.
"Bakit Hel? Umaasa ka bang may mababawas na sa atin bago dumating ang araw na ito?" Tanong naman ni Master Ex, pinuno ng Hilagang Silangan
"Hahahaha, hindi naman sa ganun. Dapat nating unawain ang mga bagay-bagay sa positibong pananaw hindi ba Jon?" Tanong ni Hel kay Jon, pinuno ng kanluran.
Ngunit tingin lamang ang isinagot ni Jon.
"Ang mabuti siguro ay simulan na natin ang usapang ito." Paghihikayat ni Master Eddie
"Masyado naman kayong seryoso, pero sige. Alam naman natin ang sitwasyon ng ministry ngayon. Bagama't hindi tayo direktang kinakalaban ng mga umiiral na gobyerno, hindi pa rin maaalis sa kanila na pagdudahan... o katakutan tayo." Pagbubukas ni Master Hel sa usapan
"Maataagal na nating alam ang bagay na yan." Sagot ni Master Sin
"At sa mahabang panahon nagpatuloy naman ang ministry, at kahit lihim sa maraming tao ang mga malalalim na bagay, ang mahalaga ay napapanatili natin ang kapayapaan at kaayusan." Dagdag ni Master Eddie
Huminga ng malalim si Master Hel bago nagsalita...
"Mismo, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan... pero sa ngayon kulang sa 100 lamang ang miyembro ng ministry sa buong mundo."
Dito na nagsimulang makita ang pagbabago sa interes ng lahat sa nagaganap na usapan.
At dito na rin nagsalita ang pinuno ng Katimugang bahagi na si Master Ton...
"Ang ibig mo bang sabihin ay dapat tayong gumawa ng paraan para magdagdag pa ng mga miyembro?"
Sumabat na rin ang pinuno ng Hilagang Kanluran na si Master Vee
"Ton, alam din natin na ang pagiging bahagi ng ministry ay hindi lamang dahil ginugusto ng isang tao. Ang kapangyarihan ay hindi dapat magamit ng maling puso at pag-iisip."
Nagkaroon muli ng mahabang katahimikan... na binasag ni Master Hel
"Awakening Fields."
Nagulat ang lahat sa narinig...
"A-anong sinabi mo?" Tanong ni Master Nok
"Minomonitor natin ang ispritwal na aktibidad sa buong mundo, at nitong nagdaang buwan ay nagkaroon ng kakaibang antas ng aktibidad sa ilang bahagi ng mundo." Paliwanag ni Master Hel.
"Kung ganoon dapat nating hanapin ang mga tao na makakadiskubre ng kanilang mga kapangyarihan at hikayatin sila sa atin. Magandang pagkakataon ito..." Sabi ni Master Ton
"Bago tayo umabot dyan, hindi normal na kaganapan ang pagkakaroon ng awakening fields. At ayon sa mga datos at tala na meron tayo..."
Batid na ng lahat ang kasunod nitong salitang ibinitin ni Master Ex kaya nabakas na sa kanila ang pag-aalala...
"Ito ang paunang nangyari bago umahon sa lupa ang prinsipe ng kadiliman."
"Masyado pang maaga para sa konklusyon na iyan. Hindi dahil nangyari noon ay mangyayari ulit ngayon." Sagot ni Master Eddie
"Walang dahilan para tumalon tayo sa anumang konklusyon. Sa ngayon, ang mahalaga ay malaman ano ang nagdudulot ng pagkakaroon ng awakening fields na ito. At isa pa, pigilan na magamit ito ng mga masasamang loob."
"Nahanap na ba ang lokasyon ng mga awakening fields?" Tanong ni Master Nok.
"Nakapagtataka man pero mayroong tig-iisa sa bawat lugar natin... at ang pinakamabilis ang pagtaas ng aktibidad ay nasa lugar mo Nok." Sagot ni Master Hel.
Ito ang pinaka gumimbal kay Master Nok, isang hamon na kailangang tugunan at harapin...
At habang kasalukuyang nagaganap ang pagpupulong ng konseho ay isang malakas nalindol ang yumanig sa Meggido...
[Itutuloy...]
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...