TM 142: Ignis Fatuus

26 4 0
                                    

The day has come and they've gathered! The Union's plan finally revealed!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Makalipas ang dalawang araw...

Sa loob ng lumang pabrika ng goma, ika-apat ng umaga...

"Ito na ang nakatakdang araw at malapit na ang takdang oras." Pahayag ni Jay sa lahat ng kanyang kasama

"Pero wala pa din dito ang isa nating miyembro." Nakatawang sinabi ni Kurt

"Jay, darating pa ba siya?" Seryosong tanong ni Biazzo

Palaisipan pa rin naman para kay Luisa sa tuwing naririnig niyang binabanggit ang patungkol sa isang miyembro ng Union na hanggang sa puntong iyon ay di pa nya nakikita.

"Hindi na yun mahalaga. Nandito man sya o wala matutuloy ang plano natin."

Pagkasabi noon ay binuksan ni Jay ang kanan niyang palad sa harapan nilang lahat at mula doon ay lumabas ang maliit na bola ng enerhiya na binubuo ng tila magkahalong lubid ng liwanag at kadiliman na patuloy sa pag-ikot sa isa't isa!

"Ano yan?..." Tanong ni Luisa

"Matagal kong nilinang ang magkahalong mabuti at masamang enerhiyang ito hanggang sa puntong parang iisa at wala na silang pinagkaiba."

Habang inoobserbahan nila ng mabuti ang kapangyarihang ipinapakita ni Jay ay isang konklusyon lamang ang narating ni Michael... "Ang tanging makakagawa ng ganitong kapangyarihan ay isang nilalang na naging dalubhasa sa paglikha at pag-gamit ng parehong kapangyarihan, nakakatakot talaga ang Jay na 'to."

"Ano naman ang gagawin natin sa enerhiyang 'yan. Ano ba talaga ang plano ng Union?" Tanong ni J.K.

Isinara ni Jay ang kanyang palad at naglaho ang enerhiyang ipinapakita niya kanina at pagkatapos ay buong damdamin niyang sinabi sa kanilang lahat...

"Bubuhayin ko ang Ignis Fatuus!"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 142: Ignis Fatuus

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sa F.A.T....

"Malapit ng sumikat ang araw pero hindi pa din kayo natutulog?" Tanong ni Master Nok kina Karla at Beth na nakaupo lamang at nagpapahangin sa ikalawang palapag

"Walang malay si Lean. Hindi pa rin bumabalik si Miko hanggang ngayon, at si Giel..." Sabi ni Karla

Huminga ng malalim si Master Nok bago nagsalita...

"Magiging ayos din ang lahat."

"Pano nyo nasisiguro yan?" Tanong ni Beth

"Wala. Naniniwala lang akong magiging maayos ang lahat. May mga pagkakataong ang tanging natitira sa'tin ay ang paniniwala kaya naman naniniwala ako na babalik din silang tatlo." Sagot ni Master Nok

Ngumiti si Karla at pabirong nagtanong... "Dapat na ba kaming matulog dahil lang sinabi nyo yan?"

"Hayyy..." Pagbuntong hininga ni Master Nok na sinundan niya ng paliwanag...

"Hindi nyo naman kailangang matulog kung di talaga kayo makatulog. Pero kayong dalawa dapat ang nakaka-alam na sa mga ganitong panahon dapat inihahanda ninyo ang inyong mga spirito."

- - - - -

Si Russel naman ang naiwang nagbabantay kay Lean na noon ay wala pa ring malay...

"Sir Lean... pakiusap, lumaban ka..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon