TM 120: Miko at Luisa

13 2 1
                                    

Tic-tac... tic-tac...

Mabagal ang galaw ng oras para kay Lean na nakatingin ngayon sa orasan habang nakasandal sa isang panig ng balkonahe, naghihintay, at hindi mapakali...

"Miko..."

Tuloy-tuloy ang pag-aalala ni Lean para sa kaibigan na hindi pa nakakabalik.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 120: Miko at Luisa

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Huminto si Miko at nagsalita...

"Sinusundan mo ba kami?"

"Huwag nyo muna akong pansinin. Sulitin niyo na ang oras para magpaalam sa isa't isa." Sagot ng lalaki

At sabay na nilingon nina Miko at Luisa ang lalaki...

"Sino ka?" Tanong ni Miko

"Naparito ako para sunduin ka. Sasama ka sa'kin."

Gulat man sa narinig ay mabilis pa ring sumagot si Miko nang "Bakit naman ako sasama sa'yo? Sino ka ba sa tingin mo?"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Sagot ng lalaki at doon pa lamang napansin ni Miko na nakapako ang mga mata nito kay Luisa

Naglakad si Miko papalapit sa lalaki...

"Hoy, ang mabuti pa umuwi ka na. Hindi ako natutuwa sa ginagawa at pinagsasabi mo."

Ngunit hindi pa rin siya pinansin ng lalaki at sa halip ay tuloy pa rin ito sa pagkausap kay Luisa...

"Kailangan namin ang tulong mo."

"Makulit ka talaga!" Sigaw ni Miko sabay sugod sa lalaki para suntukin ito ngunit laking gulat niya dahil sinalo nito ang kanyang kanang kamao gamit ang kanang kamay at mabilis siyang sinuntok nito sa sikmura gamit naman ang kaliwang kamao ng lalaki.

At napa-atras bigla si Miko sa gulat at sakin na naramdaman...

"Miko!" Sigaw ni Luisa

"Dyan ka lang Luisa!" Sagot ni Miko na pumigil kay Luisa sa paglapit.

Nakahawak pa si Miko sa kanyang sikmura nang biglang humakbang ang lalaki at hinampas siya sa mukha na naging dahilan para bumagsak siya sa sahig...

"A-ang t-taong ito... kakaiba ang lakas niya..." Sa isipan ng nakatulalang si Miko habang tinitignan ang lalaki na naglalakad papalapit kay Luisa

Nagsimula naman mapa-hakbang paatras si Luisa sabay tanong nang...

"S...sino ka ba?"

"Sasabihin ko sa'yo..." Natigilan ang lalaki sa pagsagot dahil biglang nagsalita si Miko na kakatayo lamang...

"Isa ka sa kanila hindi ba? Isa ka sa mga miyembro ng Union." Pagkumpirma ni Miko

Nilingon siya nang lalaki at sinabi...

"Tama ka na sa Union ako, pero medyo mali ka dahil hindi lang ako basta miyembro."

At labis na nagulat si Miko sa kanyang narinig...

"Kung ganun ikaw ang pinuno nila..."

"Jay." Sagot ng lalaki

"Jay ang pangalan mo? Maganda 'to, marami akong kailangang malaman pero ang mas mahalaga sa ngayon ay ang pigilan ka." Pahayag ni Miko

"Huh? Sinabi mo bang pigilan ako?" Kalmadong sagot ng lalaki

"Oo, iyon nga ang sinabi ko." Seryosong sagot ni Miko na naghanda na para makipaglaban.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon