Hinabol ni Beth si Tera hanggang marating nila ang bulwagan ng trono ng kastilyo. Dahan dahang lumingon si Tera kay Beth at sinabi...
"Sa lugar na ito ako sasambahin ng mga tao."
Lalong naging seryoso ang mukha ni Beth sa narinig...
"Dito na rin magwawakas ang kahibangan niyo." Sagot ni Beth
Pagkatapos marinig iyon ay humarap na si Tera kay Beth at nagsimulang balutin ng masamang enerhiya ang kanyang katawan. Nagsimula rin namang magliwanag ang enerhiya ni Beth tanda ng paghahanda para sa isang matinding sagupaan.
"Wala akong planong patagalin ito..." Sabi ni Beth
"Talaga?" Sagot ni Tera sabay lundag palusob kay Beth
Nang malapit na si Tera kay Beth ay biglang isang mahaba at kulay itim na bagay na gawa sa masamang enerhiya ang lumabas mula sa palad ni Tera. Tinangka nyang saksakin nito si Beth pero nagawa naman ni Beth makaiwas at makalundag palayo...
"Hihi, mabilis ka rin pala, pero sa oras na tamaan ka ng shadow stick ko matatapos na ang larong ito." Pahayag ni Tera
- - - - -
Narating ni Karla ang isang mahaba at makipot na pasilyo sa loob ng palasyo. Madilim dito ngunit di naman sya nabigong marinig na may mga yapak na papalapit sa kanya kaya naman huminto sya at agad na tinawag ang kanyang alaga...
"Blueberry..." Bulong ni Karla
Mula sa liwanag ay lumabas bigla ang nagsasalitang cupcake at sinabi...
"Hello!"
"Shhh..." sagot ni Karla na inaabangan kung kanino ang mga yapak na maririnig nya.
At sa ilang sandali pa ay lumabas na mula sa kadiliman ang isang imahe.. si Asmo!
- - - - -
"Hahahahaha! Natyempuhan ko ang dalawang pinakamahina sa grupo"
Sigaw ng isang pamilyar na tinig kina Janine at Mochi
"Ate..." bulong ni Mochi sabay kapit kay Janine
Lumingon naman si Janine at agad nyang nakita na halos isang metro na lang ang distansya ng kamao ni Asmo sa kanilang dalawa ni Mochi. Agad nyang niyakap si Mochi at sabay silang gumulong para maiwasan ang pag-atake ni Asmo.
"Kainis... di ko sya agad naramdaman." Sa isip ni Janine
"Ate, sya yung nakalaban kanina nila kuya Miko..." Bulong ni Mochi
Ngumiti si Janine at sumagot...
"Oo, sya yung pinakamahina sa lahat ng mga kalaban natin."
Bakas sa mukha ni Asmo ang galit sa narinig at sumigaw...
"Grrraahh! Papatayin ko kayo!"
- - - - -
"Napaka-swerte ko naman. Sa ilang sandali lang ay tatapusin ko na yung dalawa nyo pang kaibigan na nasa kabilang bahagi ng kastilyo. At ikaw naman ay wala ng tatakbuhan sa maliit na pasilyong ito..." Ssabi ni Asmo kay Karla
"Ibig sabihin may kakayahan sya na hatiin sa dalawa o maging dalawa? Iyon pala ang eksplanasyon kung bakit parang mahina ang enerhiyang nararamdaman ko sa kanya..." Sa isip ni Karla
Magsisimula sanang sumugod si Asmo ng bigla nyang maramdaman na lumakas ang enerhiya ni Karla, napahinto sya bigla at natulala. Nabalot si Karla ng liwanag at unti-unti ay nalipat ang liwanag na iyon kay Blueberry...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...