Chapter 31: Magtiis ng Sakit!

37 17 0
                                    


Umatras ng ilang hakbang si Mochi. Binilisan naman ni Miko para maabutan niya si Asmo ngunit ng malapit na sya dito ay biglang tumalon paitaas ang diyablo at pumunta sa likod ni Miko. Agad namang umikot si Miko at sumuntok ngunit nakadapa agad si Asmo at mabilis na sinuntok si Miko sa tiyan ng isang beses at pagkatapos ay lumundag palayo.

"Kuya Miko!" Sigaw ni Mochi

"Ayos lang ako. Kung ikukumpara sa suntok ni Giel, balewala ito."

Sagot ni Miko habang inaalala nung una silang magkita ni Giel.

"Hmmm... talaga?" Tanong ni Asmo kay Miko habang nakangiti

"Ahhh..." Daing ni Miko

Biglaang napahawak sa sikmura at napaluhod si Miko dahil nakaramdam siya ng sakit na nananatili sa kanyang tiyan...

"Kuya Miko!" Muling sigaw ni Mochi sabay lapit kay Miko

Humalakhak naman ng humalakhak si Asmo habang pinagmamasdan si Miko...

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Mochi

"S-sigurado akong hindi kalakasan ang suntok na yun pero bakit ganito, ayaw humupa ng sakit?!..." Sa isip ni Miko

"Nakalaban na namin sya dati... pero madali namin silang natalo at di namin nalaman ang kakayahan nya." Sa isip ni Mochi habang nakatingin kay Asmo

"Heeeyaaahahaha! masaya ito!" Sigaw ni Asmo sabay takbo pasugod kila Miko at Mochi

Tumayo si Mochi at nagtungo sa harap ni Miko para protektahan ito sa gagawing pag-atake ni Asmo ngunit biglang tumayo si Miko at hinawi si Mochi papunta sa isang gilid.

Ginamit ni Asmo ang kanyang kanang kamay para sumuntok ngunit sinalo ito ng kaliwang kamay ni Miko...

"Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang ginagamit mo pero tatalunin pa rin kita!" 

Sabi ni Miko habang hawak-hawak ang kamao ni Asmo

"Hehe... ba't di natin alamin?" Sagot ni Asmo sabay suntok gamit naman ang kaliwang kamay

Nagawa naman ni Miko na hawiin ang suntok ni Asmo gamit ang kanyang kanang kamay at gamit ang parehong kamay ay sinuntok nya si Asmo sa mukha. Napaatras ang kalaban at agad namang umusad si Miko para suntukin muli si Asmo

"Humanda ka ngayon sisiguraduhin kong.... Ahhh, aray"

Sabi ni Miko na bilang nahinto dahil nakaramdam sya ng pananakit ng dalawa niyang kamay.

Sinamantala naman ni Asmo ang pagkakataon para atakihin si Miko. Tig-isang suntok mula sa kaliwa at kanang kamao ang pinatama niya sa mukha ni Miko. Bumagsak si Miko sa sahig...

"Sisiguraduhin mong ano?" Tanong ni Asmo habang nakatingin kay Miko

"Kainis... bakit ang sakit?!" Tanong na paulit-ulit sa isipan ni Miko

"Sa tuwing hahatiin ko ang aking sarili sa dalawa, hindi ko maaring gamitin ang lason na nagpapahina sa ispirito ng aking biktima. Sa halip, ang nagiging epekto ay nagdudulot lamang ito ng panandaliang sakit sa mga bahaging natatamaan. Mahinang kakayahan kung tutuusin pero sapat na para sa mga walang kwentang tao." Sa isip ni Asmo

"Kuya Miko!" Sigaw ni Mochi

"Bakit hindi mo ngayon sisihin ang Diyos kung bakit ginawa nya tayong nakararamdam ng sakit..." Panunuya ni Asmo

"Tumahimik ka dyan." Sagot ni Miko habang unti-unting tumatayo

Nang marinig iyon ay biglang tinadyakan ni asmo si Miko sa mukha na naging sanhi para tumalsik si Miko palayo...

"Mahihinang nilalang, hindi magtatagal magiging diyos na ako ng mundong ito hahaha!"

Pahayag ni Asmo sabay tingin kay Mochi

Dahan-dahang naglakad palapit si Asmo kay Mochi. Tumindig naman ng matikas si Mochi at nagsimulang maglabas ng spiritual na enerhiya...

"Hmmm... hindi namin nalaman ang kakayahan ng isang ito nung huli kaming maglaban dahil madali kaming tinalo ng mga kasama nya. Tignan natin ang kaya mong gawin." Sa isip ni Asmo sabay sugod kay Mochi

Sunod-sunod na suntok at sipa ang pinakawalan ni Asmo. Ang ilan sa mga ito ay naiwasan ni Mochi habang ang iba naman ay sinalag nya ng kanyang mga kamay at bisig. Matapos ang ilang segundo ng sunod-sunod na atake ay tumigil si Asmo at

umatras ng bahagya...

"Medyo mahusay ka ng kaunti. Pero dapat ay iniwasan mo lahat ng atake ko sa halip na salagin ang ilan sa kanila." Sabi ni Asmo

Pagkatapos sabihin iyon ay nakaramdam si Mochi ng pananakit sa kanyang mga kamay at braso...

"Ahhhh... hindi ko magagamit ang technique ko ngayon. Kailangan malaman ito nila ate Beth." Sa isip ni Mochi.

Kahit masakit ang mga kamay ay dahan-dahang sinubukan ni Mochi na kunin ang kanyang cellphone ngunit agad naman itong napansin ni Asmo kaya mabilis nyang nilapitan at sinampal si Mochi, nabitawan nito ang cellphone at bumagsak ito sa sahig.

Inapakan naman ni Asmo ang cellphone...

"Mochi!..." Sigaw ni Miko

"Hahahah! nakakatawa kayong pagmasdan" Panunuya ni Asmo

"Lahat ng bahagi ng katawan namin na nadidikitan nya ay biglaan sumasakit. Sobrang sakit ng ulo, braso at... ha... teka. Hindi ko na nararamdaman ang sakit sa aking tiyan." Sa isip ni Miko

Naalala ni Miko ang unang suntok ni Asmo na tumama sa kanyang tiyan at nagdulot ng matinding pananakit kani-kanina lamang ngunit ngayon ay hindi na nya nararamdaman ang sakit na iyon.

"Hmm... iuuwi kita bilang pagkain pero bago iyon, tatapusin ko muna ang kasama mo."

Sabi ni Asmo kay Mochi sabay tingin kay Miko

Naglakad si Asmo papalapit kay Miko...

"Masakit pa ba? Wag kang mag-alala, sa ilang sandali lang ay hindi mo na mararamdaman ang sakit dahil mamamatay ka na." Sabi ni Asmo kay Miko habang naglalakad

Ngiti naman ang reaksyon ni Miko sa narinig, ngiti na hindi nakita ni Asmo

- - - - -

Samantalang, sila Luisa at Amabii naman ay magkasama ngayon sa laboratoryo sa loob ng FAT

"Isang gamot?" Tanong ni Amabii

"Nakikipaglaban ang bawat isa. Kung magagawa kong painamin pa ang epekto ng gamot na ito para maibsan ang sakit at magbigay ng panandaliang lakas, makakatulong siguro ako sa kanila." Sagot ni Luisa

"Buti ka pa, alam mo na ang pwede at dapat mong gawin. At kahit sa simpleng paraan ay nagagawa mo ng gumamit ng spiritual na enerhiya, hindi katulad ko." Ani ni Amabii

"Magagawa mo rin yan Amabii. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa, kaya natin ito!"

Sabi ni Luisa ng may ngiti

- - - - -

Nang makalapit si Asmo kay Miko ay biglang naglabas si Miko ng maraming spiritual na enerhiya at mabilis siyang tumayo.

"Kaya naming tiisin ang sakit, kaya namin ito!" Sabi ni Miko

Nagulat sila Mochi at lalo na si Asmo sapagkat ang Miko na kaharap nya ngayon ng malapitan ay mukhang puno ng tapang at hindi nakakaramdam ng anumang sakit.

Sinuntok ni Miko ng malakas si Asmo at tumilapon ito palayo

[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon