TM 125: Borj

14 2 3
                                    

"Biktima ng karahasang umiiral... sistema ng lipunan..."

Mga salitang naglalaro sa isipan ni Master Nok habang nakatutok sa monitor ng kanyang computer

Dalawang katok ang sunod nyang narinig mula sa pinto at pagkatapos ay bumukas ito...

"Master..."

"O Beth, bakit gising ka pa?" Tanong ni Master Nok nang makitang si Beth ang pumasok sa kanyang opisina

"Hindi ako makatulog, iniisip ko kung ano ibig sabihin nung mga salitang sinabi ni Miko na narinig niya mula sa kalaban." Sagot ni Beth

Muli namang humarap si Master Nok sa kanyang computer...

"Yun din ang iniisip ko, pero bago yun palaisipan din kung talaga nga bang kalaban sila."

Laking pagtataka naman ni Beth nang kanyang marinig ang sinabi ni Master Nok kaya naman biglaan siyang napatanong "Anong ibig mong sabihin? Halos mapatay si Miko at kinuha nila si Luisa.

Wala nang palaisipan dun Master."

"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Pero kakaiba ang grupong ito sa lahat ng nakalaban na natin." Paliwanag ni Master Nok

- - - - - - - - - - - - - - -

TM 125: Borj

- - - - - - - - - - - - - - -

"Sinasabi mo yan pero sa isip at puso mo umaasa kang mapipigilan kami ng Ministry. Una sa lahat wala ka pang ideya sa kung anong pinaplano namin.

Pangalawa, sa oras na humarang sila sa amin, ako mismo ang dudurog sa pag-asang nasa isip at puso mo." Pagbabanta ni Jay

"Wala kang mapapala sa pananakot sa akin" Sagot ni Luisa na kanyang dinugtungan ng tanong na "Yung tinatawag mong kuya Borj, sigurado ka bang kakampi siya ng Union?"

Natawa naman si Jay sa narinig na tanong ni Luisa, mahina ngunit mahabang pagtawa na may kasabay na pag-iling ng kanyang ulo sabay sabing...

"Siya ang pinakatapat sa Union, mas tapat pa kaysa sa akin."

"Kapatid mo nga siya?"

Naglakad si Jay patungo sa maliit na mesang nasa ibaba ng bintana at doon ay kinuha ang bote ng alak, binuksan, at nagsalin ng kaunti sa katabi nitong baso.

"Higit pa sa kapatid." Sabay lagok sa alak na nasa baso bago sunod na sinabing "Siya ang aming tagapagligtas."

- - - - -

Binabaybay ng isang kulay itim na sasakyan ang paliko-likong daan paakyat ng kabundukan na nasa pitumpung kilometro ang layo mula sa Central City.

Pababa na ang araw ngunit ang sinag nito ay diretso pa din sa mga mata ng nagmamaneho ng sasakyan na noon ay kinuha ang kulay itim na shades at isinuot.

Matapos ang halos isang oras ng paliko-liko ay narating nito ang isang kapatagan sa ibabaw ng bundok, halos kalahating kilometro ng malawak at mabatong kapatagan bago pumasok sa masukal na kagubatan.

Wala ng kalsada sa lugar na 'yon at sa itsura pa lamang ng kakahuyan ay mahihirapang maglakbay doon ang sinumang hindi pa pamilyar sa lugar.

Huminto at pumarada ang sasakyan bago pa nito marating ang kagubatan.

Bumaba ang matipunong lalaking nagmamaneho ng sasakyan at pagkatapos ay nagtungo sa likurang bahagi nito kung saan naman niya kinuha ang dalawang malaking kahon at isang sako ng bigas. Itinali niya ng mag magkapatong ang dalawang kahon at pinasan iyon sa kanyang kanang balikat at binitbit naman niya sa kanyang kaliwang kamay ang sako ng bigas.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon