TM 119: Balik-Tanaw

16 2 0
                                    

"Hayyy... de-lata ang hapunan natin, ganito ba kapag wala sina ate Beth." Reaksyon ni Agape

"Bakit masarap naman 'to ah." Sagot ni Mochi na masayang-masaya sa pagkain.

"Eh lahat naman masarap sa'yo Mochi." Sagot ni Agape na naging dahilan para magtawanan silang lahat na kumakain

"Bakit ba kasi hindi na lang tayo lumabas, dapat sumama na lang tayo kina ate Luisa at kuya Miko." Sabi ni Amabii

"Pagbigyan na lang natin yung dalawa, para naman makapag-usap sila." Komento ni Agape sa sinabi ni Amabii

"Oo nga! Si Amabii talaga..." Pang-aasar ni Russel 

At nagtawanan muli ang lahat...

"Sus, kunwari pa kayo, di'ba mas masaya naman kung susundan natin sila 'tas titignan natin kung anong ginagawa nila?" Suhestyon ni Amabii

"Hmmm... siguro nagsusubuan sila ng pagkain." Sabi ni Mochi

"O kaya, nakatambay sila sa isang romantikong lugar at magkayakap." Dagdag ni Agape

"Pano pala kung biglang yayayain na siya ni kuya Miko magpakasal?" Biglang tanong ni Russel

"Agad-agad?!" Sabay-sabay na reaksyon nina Mochi, Agape, at Amabii

"Tama na nga yan. Kayo talaga, maya-maya lang nandito na ulit sila." Pagsaway ni Lean

"Paano mo naman nasabi sir?" Tanong ni Russel

"Kasi sinabihan ko silang bumalik agad." Sagot ni Lean

"Pero may kasabihan di'ba na hahamakin ang lahat dahil sa pag-ibig?" Komento ni Agape

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 119: Balik-Tanaw

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Wala pa ring pagbabago ang lasa ng pagkain dito!"

Komento ni Miko sa pagkain na kanilang kinakain ngayon ni Luisa sa parehong lugar kung saan sila unang lumabas para kumain ng magkasama.

Natawa lamang si Luisa sa reaksyon at komento ni Miko sa pagkain.

Si Miko naman ay napukaw ang atensyon sa bracelet na suot ni Luisa at napansin naman yun ni Luisa kaya napatingin din siya dito...

"Magkano nga pala bili mo dito?" Tanong ni Luisa nang maalala niya ang parehong gabi na ibinigay iyon sa kanya ni Miko

"Napansin ko lang na parang mas mataba ka na ngayon." Sagot ni Miko

"Ang dami ko kaya laging nakakain noong nandun tayo sa inyo! Masyado kasing magaling magluto si mama." Paliwanag ni Luisa

"Alam mo na ngayon kung bakit malakas ako kumain." Sabi ni Miko sabay tawa

"Naku! Kahit naman saan malakas ka talaga kumain." Komento ni Luisa

At sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang lumapit ang isang lalaking may hawak na violin at tumugtog sa harapan nilang dalawa...

Napangiti si Luisa at naluha ng bahagya at nang tumingin siya kay Miko...

"Mahal na mahal kita." Bigkas ng mga labi ni Miko na walang tunog ngunit basang-basa ni Luisa

Ngumiti si Luisa at napayuko, at ang sumunod na nangyari ay naramdaman ni Miko na may humila sa kanyang hinliliit ngunit mabilis niyang nabatid kung ano iyon.

Iyon ay ang sinulid na gawa sa spiritual na enerhiya ni Luisa na itinali sa kanyang daliri isa't kalahating taon na ang nakakaraan at hanggang sa kasalukuyan ay hindi iyon napatid kahit minsan.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon