Chapter 40: Ang Lakas ni Miko

26 11 0
                                    



"Bwahahahaha! Hahahaha!" Umalingawngaw sa lugar ang halakhak ni Leo

"Tsk, nakakatawa pa sya ha..." Reaksyon ni Lean

Bumangon si Leo at tumuro sa direksyon kung nasaan si Miko...

"Tatapusin ko kayong lahat pero ikaw ang uunahin ko!" Pahayag ni Leo

Napatingin naman ang lahat kay Miko na noong mga sandaling iyon ay diretso din ang tingin kay Leo...

"Miko... wag ka matakot. Sama-sama natin syang tatalunin." Sabi ni Lean

Ngumiti naman si Miko bilang sagot sa sinabi ni Lean tsaka sinabi...

"Ako ng bahala sa isang ito. Tumuloy na kayo at iligtas ang mga bihag nila bago pa sila matulad sa mga ito."

Ang tinutukoy ni Miko ay ang ilang mga bahagi ng katawan ng tao na nagkalat sa paligid.

"Nababaliw ka na ba? Sa palagay mo ba papayag kami?!" Tanong ni Lean

"Tama si Lean Miko. Imposibleng matalo mo sya ng mag-isa." Dugtong ni Giel

Bigla namang naglabas si Miko ng spiritual na enerhiya at muling bumuo ng spirit ball. Inihagis nya muli ito sa direksyon kung nasaan ang maraming mga diyablo. Sumabog ito at natunaw ang ilan sa kanila. Nagulat naman silang lahat sa ginawa ni Miko.

"Kayang-kaya ko ang isang ito!" Sigaw ni Miko

Sa puntong iyon ay kumilos na si Leo at sinugod sila Karla at Giel na noon ay pinakamalapit sa kanya. Lumundag si Leo...

"Tikman nyo ang lakas ng kamao ko!" Sigaw ni Leo habang nasa ere at nakatingin kina Karla at Giel

Agad namang lumundag palayo sila Karla at Giel para makaiwas.

Tumama ang suntok ni Leo sa sahig at labis na lamang ang gulat nilang lahat dahil nadurog ang sahig sa lakas ng pwersa ng suntok ni Leo. Tuloy-tuloy pa rin sa pag-atras sila Karla at Giel hanggang sa makabalik na sila malapit kina Beth.

"K-kasing lakas noon ang suntok ni Django na dati nating nakalaban..." Banggit ni Lean sabay tingin kay Miko

Ngunit nagulat si Lean dahil wala na sa tabi niya si Miko at ng ibinaling nya muli ang mga mata kay Leo ay natanaw nya na naroon na si Miko sa tabi nito. Agad na sinuntok ni Miko si Leo sa tiyan ngunit tila hindi ito masyadong nasaktan...

"Bwahahaha! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Pangungutya ni Leo

Agad na gumanti si Leo ng suntok ngunit mabilis at madali itong naiwasan ni Miko

"P-paanong..." Sa isip ni Leo

Mabilis ding nagkaroon ng spiritual na enerhiya sa mga kamao ni Miko at sinuntok nya sa mukha si Leo. Kanan, Kaliwa, Kanan, Kaliwa at pagkatapos noon ay nabalot din ng spiritual na enerhiya ang mga binti ni Miko at sinipa nya si Leo at tumilapon ito ng ilang metro palayo...

"Ang galing..." Sa isip ni Mochi

"Ang mga galaw nya katulad ng kay Giel..." Sa isip ni Lean

Si Giel naman ay tulala lamang sa gulat dahil sa napanuod ginawa ni Miko.

"Magaling ang ginawa nya. Malaki nga ang pinagbago nya, nasa spirit level 4 na sya. pero marami na syang nagamit na enerhiya sa atakeng iyon at sa apat na Spirit Ball na pinakawalan nya." Sa isip ni Beth

"ate Karla." Wika ni Miko para makuha ang atensyon ni Karla Hindi na kinailangan pa ni Karla itanong kung ano ang nais sabihin ni Miko dahil batid na nya ito...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon