Habang tumatakbo patungo sa plaza sa gitna ng Metro City ay isang bagay ang tumatakbo sa isipan ni Miko...
"Lean, Karla, Mochi, Erryel, Cjay, Daniel... oras na para tapusin ang mahabang gabing ito!"
- - - - -
Nang makalabas at makalakad ng ilang metro palayo sa gusali kung saan nila hinarap si Dr. Mujin ay napasandal si Karla sa isang pader at kapansin-pansin ang malalim niyang paghinga...
"Mas mabuti siguro kung magpapahinga muna tayo." Sabi ni Lorenz
Ngumiti si Karla at dahan-dahang napaupo sa sahig at sinabi...
"Kwentuhan mo ako kahit sandali lang."
"Huh? Alam mo naman na paikot-ikot ako dito at saan man, iyon ang trabaho ko, ang suportahan kayo nina Master Nok sa pamamagitan ng paghahanap ng impormasyon. Ano pa bang dapat ko i-kwento sa'yo?" Malumanay na paliwanag ni Lorenz
Maikling tawa ang pinakawalan ni Karla bago sumagot...
"At kung kaya mo na solusyunan agad, hindi mo na pinapa-abot sa amin ang problema. Pero kailangan ba talaga mag-isa mong gawin lahat ng yan?"
"Uhmmm... mas madali kasi para sakin ang kumilos mag-isa? Ayun lang naman." Sagot ni Lorenz
"Nagtataka lang ako..." Sunod na sinambit ni Karla
"Saan?" Tanong ni Lorenz
"Hindi pa rin maayos ang koneksyon ng komunikasyon ko sa Black Dove, ang sabi mo inasikaso mo na ang mga nasa taas ng gusali hindi ba?" Seryosong tanong ni Karla
"Ang ibig mo bang sabihin ay gumamit ng teknolohiyang kayang maka-disrupt ng signal ang mga kalaban?" Tanong ni Lorenz
"Lorenz... sa antas at klase ng kakayahan mo sigurado akong naramdaman mo na yun sa oras na lumapit ka sa gusali." Pahayag ni Karla
Huminga ng malalim si Lorenz bago nagsalita...
"Masyado mo lang siguro pinagpapalagay na ganoon na nga kataas ang antas ng spiritual na kakayahan ko. Pero ang totoo, mas nauna ko pa naramdaman ang paglalaban na nagaganap sa ilalim ng gusali." Paliwanag ni Lorenz
"At ang mga tao sa itaas ng gusali?" Sunod na tanong ni Karla
"Inasikaso ko na nga sila pero hindi ko naman sila dapat patayin diba? Sapat na siguro ang ginawa ko para ang gobyerno na ang bahala sa kanila." Sagot ni Lorenz
At tumingala si Lorenz sa bilog na buwan.
- - - - -
Unti-unti ng nawala ang baluting likha ni Erryel na pumo-protekta sa kanila nina Cjay at Daniel...
"Pano ba yan? Tapos na ang oras niyo..." Sabi ni Venoch
Napaluhod naman sa sahig si Erryel sa pagod.
"Tsk, wala na tayong pagpipilian kundi ang lumaban." Reaksyon ni Daniel
Dahan-dahan at pabilis ng pabilis na naglakad si Venoch papalapit sa kanilang tatlo...
"Lumaban? Wala na kayong pagpipilian kundi ang mamatay!" Garagal na sigaw ni Venoch
Lumundag si Venoch pasugod sa kanila at habang nasa ere siya ay isang lalaki ang sumalubong at pumigil sa kanyang pagsugod at habang panandaliang nasa ere ay tila huminto ang oras sa pagitan nila...
"Buhay ka pa pala..." Bulong ni Venoch sa lalaking kanyang katunggali
"Heh, humanda ka ngayon."
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...