TM 108: Tattoo

17 2 1
                                    


"O-oops..." Reaksyon ni Russel sabay takip ng mata nang tanggalin ni Amanda ang mahabang itim na jacket na nakabalot sa kanyang katawan

"Wag mong aalisin ang mata mo sa kalaban!" Utos ni Lean

At dahan-dahang inalis ni Russel ang takip sa kanyang mata.

"Sports bra at napakaikling leather shorts, bakit naman ganyan ang suot nya... at ang katawan nya..." Reaksyon sa isipan ni Agape

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 108: Tattoo

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ni-hindi ka man lang nasorpresa na makita ang katawan ko. Hindi ba ko maganda?... o sanay ka lang sa mga babae?" Tanong ni Amanda kay Lean

"Sigurado ka bang gusto mong gawin 'to? Nag-iisa ka lang." Sagot naman ni Lean

"Andro, anong kakayahan nya?" Tanong ni Miko kay Andro

"Wala akong ideya." Sagot ni Andro

"Niloloko mo ba kami?" Tanong naman ni Lean kay Andro

"Andro..." Bulong ni Miko bilang pagkumbinsi kay Andro

Napalunok si Andro bago sinabing "Kinuha lang nila ako dahil sa bombang ito... at si Amanda lang ang kilala ko nang personal. Jay ang tawag nila sa pinuno pero sa telepono ko lang siya nakausap at minsan lang yun. Pero isang bagay ang sigurado ko..."

"Ano yun?" Tanong ni Miko

"Malakas silang lahat." Pagkasabi nito ay humakbang si Andro papalapit ngunit agad siyang hinarap at pinigilan ni Lean na nagsabing...

"Wag kang kikilos! Isa pang hakbang mo at pababagsakin kita."

"Lean!" Pag-awat ni Miko

"Hayaan nyo akong harapin siya at ayusin ang gulong ako ang gumawa." Maamong pakiusap ni Andro kay Lean

Tinitigang mabuti ni Lean si Andro bago niya binigay ang sagot na...

"Hindi lang 'to dahil wala akong tiwala sa'yo. Kung ikaw lang ang may kakayahang tanggalin ang bombang ito, hindi ko pwedeng hayaan na mapahamak ka. Gaano katagal?"

Napangiti naman si Miko sa naging sagot ni Lean.

"Limang minuto kung mabibigay ko ang buong atensyon ko." Sagot ni Andro

"Limang minuto lang pala..." Sagot ni Lean na naputol na dahil nakaramdam siya ng presensya na biglang lumundag sa tabi niya at nang makita niyang si Amanda iyon ay papalapit na ang kanang kamay nito kay Andro

"Mabilis siya!" Gulat na reaksyon ni Lean

"Tapos ka na!" Sambit ni Amanda habang inaabot si Andro

Ngunit biglang may kamay na pumigil sa kamay ni Amanda...

"Magaling Russel." Sa isipan ni Lean

Nginitian naman ni Amanda si Russel at binulungan ito ng isang malambing na... "Hindi na masama."

"Agape!" Sigaw ni Russel bilang hudyat sa kasama

Nagsimulang humaba ang buhok ni Agape at agad nitong sinubukang puluputan si Amanda pero bago pa man iyon umabot ay sinipa ni Amanda si Russel sa tyan at inikot ang sariling kamay para makawala sa pagkakahawak sa kanya sabay lundag nang mataas at papalayo.

"Mabilis at mahusay siyang gumalaw." Sabi ni Agape

"Ayos ka lang ba Andro?" Tanong ni Miko kay Andro na nakatulala

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon