Narating ni Miko ang isang malawak na lugar ng mansyon na tila ginagamit para sa
mga selebrasyon at pagtitipon. Bago pa maikot ng paningin nya ang espasyo ay isang malaking morning star na may kadena ang biglang ibinato sa kanya ni Django.
Naiwasan ito ni Miko at bumaon ito sa pader, agad itong hinila ni Django pabalik
sa kanya
"Hahaha! Natagpuan ko na ang aking unang biktima sa larong ito!"
sigaw ni Django
"Sino ka?" Tanong ni Miko
"Hindi na mahalaga kung sino ako" Sagot ni Django sabay hagis ng morning star patungo kay Miko
Dumapa si Miko para mailagan ang morning star pero hinila naman ni Django ang kadena para bumagsak ang morning star kung saan nakadapa si Miko. Naiwasan pa rin ito ni Miko sa pamamagitan ng pag-gulong sa sahig. Agad na bumangon si Miko
"Hindi kami nagtungo dito para makipaglaban sa inyo! May kailangan lang kaming makita..." Paliwanag ni Miko
Hinila muli ni Django ang morning star at pinaikot-ikot ito sa ibabaw ng kanyang ulo
"Hindi rin naman laban ang pinunta ko dito! hahaha" Sigaw ni django sabay hagis muli
ng morning star
Sa pagkakataong ito ay tumakbo-takbo na si Miko paikot sa kwarto para maiwasan ang sunod-sunod na pag-atake ni Django. Sumandal siya sa isang malaking haligi at nagtago...
"Gusto ko lang makakita ng taong naghihirap bago mamatay!" Sigaw ni Django
"Tsk, may sayad ata ang isang ito, wala na akong pagpipilian..." Sa isip ni Miko
Biglang nabasag ang haligi na tinataguan nya dahil doon ibinato ni Django ang
morning star niya, sakto naman na nakaiwas muli si Miko bago abutin ng sandata ni Django ang katawan niya. Tumakbo ulit si Miko paikot sa kwarto habang binubuo ang Spirit Ball sa kanyang kamay at pagkatapos ay ibinato niya ito patungo sa direksyon ni Django pero humakbang lamang ng mabilis si Django para maiwasan iyon at tumama sa isa pang haligi ang Spirit Ball na naging dahilan para mabasag ito...
"Hahaha, mas lalong sumasaya ang larong ito!" Sabi ni Django
Tumakbo ulit si Miko paikot sa kwarto at mabilis siyang nagtago sa isa sa mga haligi
"Taguan naman ba ang lalaruin natin? Hahaha pareho kayo nung babaeng iyon!"
Sigaw ni Django
Nang marinig iyon ay napaisip si Miko kung ang tinutukoy ba ni Django ay si Luisa.
Si Django naman ay isa-isang binato ng kanyang morning star ang mga haligi ng
kwartong iyon
- - - - -
Narinig ni Giel mula sa ilalim ng mansyon ang ingay na nanggagaling sa kwarto kung
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...