Chapter 30: Ang Mabuti at Masamang Enerhiya

31 22 0
                                    


"Russel! lalayas ka na naman?!" Sigaw ng isang babaeng kasalukuyang naghuhugas ng plato.

Ang anak na kanyang tinatawag ay kasalukuyang nasa pintuan ng kanilang tahanan at nagsusuot ng sapatos. Tila hindi nito naririnig ang pagsigaw ng kanyang ina dahil sa earphones na nasa tainga niya.

Matapos mag-sapatos ay dahan-dahan itong tumayo at lumabas. Isinara nya ang pinto at pagkatapos ay nagbanat ng kanyang mga buto. Kinuha nya ang cellphone nya kung saan naka-konekta ang earphones at inilakas pa ang volume ng tugtog. Isa itong masaya at nakakagisingna awitin na sumasabay sa indak ng kanyang bawat hakbang.

Ito ang gabi-gabing gawain ng disi-siyete anyos na batang si Russel, ang mag-iikot mag-isa sa siyudad sa kalaliman ng gabi hanggang tamaan sya ng antok.

- - - - -

Nang makarating sa isang kanto ay tumigil sa paglakad si Asmo at ngumiti dahil nakaramdam sya ng presensya ng tao na ilang metro lang ang layo mula sa kanyang kanan at naglalakad papunta sa kanyang direksyon...

Naglakad si Asmo para salubungin ang mga yapak na papalapit sa kanya at isang lalaki at babaeng masayang naglalakad ang kanyang natanaw... sila Miko at Mochi!

"Hmm.. at san naman kaya tayo kakain ngayon Mochi?" Tanong ni Miko

"Alam ko may masarap na restaurant sa banda doon!" Sagot ni Mochi sabay turo sa direksyon

na kanilang tinatahak

Sakto naman na naitutok ni Mochi ang kanyang kamay kay Asmo na ilang metro na lang ang layo sa kanila. Tumigil si Asmo sa pag-aakalang napansin agad siya ng dalawa...

"Haha, mga bata hindi dapat kayo naglalakad sa ganitong oras ng gabi..."

Sabi ni Asmo

"Ano naman ang pakialam mo..." Sa isip ni Miko na bahagyang nainis dahil mistulang

pinagsasabihan sila ng taong di naman nila kilala

"Ha.... ikaw..." Biglang reaksyon ni Mochi na may gulat sa kanyang mukha

Nang makita ni Miko ang reaksyon ni Mochi ay isang tanong lang ang pumasok sa kanyang

isipan "Anong problema?"

Biglang bumalik sa ala-ala ni Mochi nang una nilang makalaban ng ate Beth, Janine at Karla

niya ang mga devourers at tanda niya ang mukha ni Asmo...

"Kuya Miko..." Bulong ni Mochi

"Hmmm?" Pagtataka ni Asmo sa reaksyon ni Mochi

Tinignang mabuti ni Asmo ang mukha ni Mochi at naalala din nya na isa ito sa mga dati nilang

kalaban at kasama ng mga tumalo sa kanila...

"Haha... Hahahaha!" Halakhak ni Asmo

"Tsk, anong nakakatawa?!" Tanong ni Miko

Dahan-dahang lumabas sa katawan ni Asmo ang kulay itim at lila na enerhiya...

"Hahahaha! Mukhang pinapaboran din ng tinatawag ninyong Diyos ang mga katulad namin.

At ngayon ibinigay nya kayo sa aking mga kamay!" Pahayag ni Asmo

Nagulat sila Miko at Mochi sa nakita. Hindi pa din malinaw kay Miko ang sitwasyon ngunit isang bagay ang nasiguro nya ng makita nya ang masamang enerhiyang nanggagaling kay Asmo at ng mapansin nya ang kakaibang mata nito - hindi tao ang nasa harapan nila ngayon.

- - - - -

"Mabuti at masama. Dalawang nagtutunggaling pwersa na hindi maaring magpakita sa iisang

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon