Agad namang tumakbo si Miko papalapit sa mga taong nasa sahig at agad na pinulsuhan ang mga iyon. Naintindihan naman ni Lean ang ginawa ng kaibigan at ganoon din ang ginawa niya...
At ang kanilang napagtanto...
"May pulso. Buhay sila!" Sabi ni Lean
"Salamat sa Diyos!" Malakas na sigaw ni Miko
Napangiti naman sila Erryel ng marinig at makita ang reaksyon ni Miko.
At nagpatuloy ang paglaganap ng musika nila sa buong Metro City.
Isa-isang marahan na tuluyang nawalan ng malay ang mga taong inaabot ng musikang likha nina Erryel, Cjay, at Daniel.
Hindi naman napigilan ng batang si Claud ang pagpatak ng kanyang mga luha habang kanyang naririnig ang musika, at nang sandaling iyon ay bumitaw si Erryel kina Cjay at Daniel para yakapin ang bata.
- - - - -
Nang marinig nina Karla at Lorenz ang musika...
"Ayan na." Pambungad ni Lorenz
"Mukhang nagawa naman nila..." Reaksyon ni Karla
"Kita mo na, kailangan mo lang din magtiwala na magagawa ng mga kasama mo ang kanilang bahagi." Pangaral ni Lorenz
Napangiti na lamang at napayuko si Karla sa narinig...
- - - - -
"Ubos na ang pasensya ko!" Sigaw ng presidente kay Master Nok na kanyang agad dinugtungan ng utos na "Sabihan ang ating mga sundalo na pasukin na ang Metro City!"
"Sir may report po mula sa ating mga sundalong naka-barikada sa Metro City!" Biglang pagsabat ng isang tauhan
"Ano yon?!" Galit na tanong ng presidente
"Isa-isa daw nawawalan ng malay ang mga tao sa Metro City!"
"Ano?!" Reaksyon ng presidente
"Nagawa nila." Sabi ni Master Nok
"Nagawa ang ano? Teka gumamit ba ng sleeping gas ang mga tao mo?"
Hinarap ni Master Nok ang presidente bago sinabing
"Ipapaliwanag ko sa inyo kung bibigyan niyo ako ng mas maayos na pagkakataon at oras para dito."
"Kung ganun, pwede ko ng papasukin ang mga tauhan ko sa loob ng siyudad." Deklarasyon ng presidente
"Huwag muna. Hindi pa sigurado ang sitwasyon." Pag-awat ni Master Nok.
- - - - -
Nang mga sandaling iyon ay isang sasakyan naman ang dumating sa harapan ng gusali kung saan nagkuta sina Dr. Mujin. Dalawang tao ang nag-uusap sa loob noon... Isang nasa edad kwarenta at isa namang kulang-kulang trenta...
"Sa palagay ko magsasayang ka lang ng pagod na kausapin sila."
"Hayaan mong gawin ko 'to... mga tao pa rin sila." Sabi ng nakatatandang lalaki
"Wala sa plano ko ang buhayin sila. Pero alang-alang sa ginawa mong tulong sa amin, bibigyan kita ng pagkakataon."
Binuksan na ng mas nakatatandang lalaki ang pintuan ng sasakyan para bumaba ngunit bago siya makababa ay muling nagsalita ang kasama niya sa sasakyan...
"Malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam mo naman ang nangyayari sa mga traydor."
Nilingon naman ng lalaking pababa ang kanyang kausap at sumagot "Hindi ako makikipagkasundo sa'yo kung di ako sigurado sa ginagawa ko."
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...