Maagang nag-almusal sina Miko at Giel, umiinom lang ng gatas si Giel habang si Miko naman
ay kumakain ng isang roll ng chocolate cake...
"Paano mo nagagawang kumain ng ganyan karaming tsokolate sa umaga?"
Tanong ni Giel na may pagtataka sa mukha
"Masarap kaya, energy..." Sagot ni Miko habang ngumunguya...
"Hayy... sa palagay mo ayos na kaya siya?" Tanong ni Giel
Ang tinutukoy ni Giel ay si Lean. Naalala nila ang gabi kung kailan itinarak ni Lean ang
espada sa sariling katawan...
"Wag ka mag-alala, sinabi naman ni Master na ayos lang siya..." Sagot ni Miko na kumakain
pa rin.
Biglang dumating sa kusina si Master Nok...
"Magandang umaga!" Bati ni Giel
Di naman nakabati si Miko dahil punong-puno ng chocolate cake ang bibig nya na halos
mabulunan na siya...
"Hindi kayo marunong maghintay ha..." Sabi ni Master Nok sabay lakad palapit sa mesa
Paglakad ni Master Nok ay nasilayan nina Miko si Lean na nasa likod pala ni Master Nok.
May benda pa ito sa katawan. Si Miko naman ay agad na uminom ng tubig...
"Wala pang dalawang araw ang nakalipas pero nakakatayo agad siya?" Sa isip ni Giel
"Chocolate cake, gusto mo?!" Sigaw ni Miko
"Hoy, kung tapos ka na ay simulan mo ng ayusin yung nasira mo dun sa opisina ko..."
Utos ni Master Nok
Naalala ni Miko ang Spirit Ball na ibinato nya kina Lean ang nakabutas sa pader ng
opisina ni Master Nok...
"Waah! Teka teka siya ang may kasalanan kaya nasira yon!" Paliwanag ni Miko sabay
turo kay Lean
Si Lean naman ay biglang humawak sa sugat niya...
"Ahh... kumikirot na naman ang sugat ko..." bulong ni Lean
"Waah ang kapal ng mukha, nag-iinarte ka pa dyan eh kasalanan mo naman talaga!"
Sigaw ni Miko
"Ang mabuti pa simulan na natin..." Sabi ni Giel sabay tayo...
"Nga pala, mamaya pagkatapos nyo kumain ay dumiretso kayo sa silid Kaliwanagan..."
Utos ni Master Nok
"Ha? Ano namang gagawin namin dun?" Tanong ni Miko
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...