"Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Tanong ni Ace kay Luisa habang magkaharap sila sa hapag
"Kailangan ko ng umalis." Sagot ni Luisa
Kinuha ni Ace ang baso niyang naglalaman ng alak at iniharap iyon kay Luisa bago sinabing...
"Kung ako ang tatanungin, wala akong planong pakawalan ka hanggang hindi ko nakukuha ang pagsang-ayon mo sa mga sinabi ko."
"Pinipilit mo kong pakasalan ka?" Tanong ni Luisa habang humihigpit ang kapit sa mga kubyertos
"Wala akong nakikitang dahilan para tumanggi ka. Hmmm... oo nga pala, kasintahan mo ba yung panganay na anak ni Master Eddie?"
Hindi nakasagot si Luisa. Mahina at maikling tawa naman ang naging reaksyon ni Ace.
"Hindi mo masagot dahil duda ka di'ba?"
Bakas sa mukha ni Luisa ang gulat sa sinabi ni Ace na dinugtungan pa nito ng...
"Mahirap ang lumaking hindi kasama ang mga magulang, naiintindihan natin ang kalungkutang 'yon, kalungkutan na kahit kailan hindi maiintindihan ni Miko."
"K-kilala mo sya?" Tanong ni Luisa
"Hindi lang siya."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 99: Love Saga VI
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kalagitnaan ng hating-gabi ng marating ni Miko ang daungan ng mga bangka na tumatawid patungo sa palasyo ng hari. Mula roon ay ramdam na ang malamig na hanging umiihip galing sa kabilang isla.
"Kailangan ko po ng bangka."
Pakiusap ni Miko sa matandang babaeng nasa daungan habang humihingal ng malalim dahil sa mahabang pagtakbo
"Oh hating-gabi na iho... Bakit kumakaripas ka?" Tanong ng matanda
"Kailangan ko po makapunta sa palasyo!"
"Sa ganitong oras Naku pasensya na pero..."
"Anak po ako ni Master Eddie, pakiusap po!"
"Ahh si Eddie ba kamo? Oo nga, ngayon ko lang napansin na medyo hawig nga kayo. Malabo na nga ata ang mata ko."
"Pakiusap po lola..."
"Naku, gustuhin ko man ipahiram itong bangka ay nasa kabundukan ngayon ang anak kong nagpapatakbo nito. Kinailangan nya kasing kumuha ng mga kahoy para gawin itong kubo na nasunog kahapon..."
"Ako na po ang magpapatakbo ng bangka!"
"Marahas ang mga alon ngayong gabi, hindi kita pwede payagan. Isa pa, hindi ko maintindihan bakit pupunta ka doon ng dis-oras ng gabi?"
"Nandoon po ang..."
"Sinong nandon?"
"Kaibigan ko po ang hari! May usapan kami at ang pangako sa hari ay hindi dapat mabali ano man ang mangyari!" May diing pagsisinungaling ni Miko
"Kung ganoon mas lalong hindi kita pwede payagan, hindi ko maaring hayaang mapahamak ang kaibigan ng hari."
Hindi inaasahan ni Miko ang naging sagot ng matanda na naging dahilan para mapahinga na lamang siya ng malalim...
"Nasa kabundukan pa po ang anak ninyo di'ba?"
"Oo."
Nang marinig ang sagot ng matanda ay agad na kumaripas ng takbo si Miko patungo sa kabundukan.
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...