Chapter 29: Desididong Makatulong! Miko at Mochi

29 23 0
                                    


Ang gabi ay nasa pinakamadilim na bahagi nito bago sumapit ang madaling araw. Nakatayo si Lean sa rooftop ng hotel kung saan sya nagpalipas ng maghapon sa pagtulog habang tinatanaw ang buong siyudad.

"Hayy..." Bugtong hininga ni Lean habang nag-uunat ng mga braso

Biglang narinig ang kanyang cellphone, isang tawag mula kay Beth...

"Hello" Pambungad ni Lean

"Nasan ka? Alam mo ba kung nasaan si Giel?" Tanong ni Beth

"Hindi eh, kagigising ko lang. Bakit ba?" Sagot ni Lean

"Ano pang silbi ng buddy system kung magkakanya-kanya lang din naman kayo!"

Pasigaw na nasabi ni Beth

"Uhmm... haha sorry naman po." Sagot ni Lean habang nagkakamot ng ulo.

"Kailangan nating malaman kung nasaan sya." Sabi ni Beth

"Sige, hahanapin ko sya. Babalitaan ko na lang kayo." Ani ni Lean sabay baba ng cellphone

Matapos ang usapan ay itinaas ni Lean ang kanyang dalawang kamay sa ere at dahan-dahang isinara ang kanyang mga kamao sabay bigkas ng...

"Ayos! Trabaho na."

Naglakad si Lean patungo sa hagdan pababa ng hotel. Siyam na palapag ang gusali na kanyang bababain at ng makarating sa ika-apat na palapag ay nakasalubong nya bigla sa hagdan si Giel. Nagkatinginan sila bago nagsalita si Lean...

"Alam mo bang hanap sila ng hanap sa iyo."

Hindi sumagot si Giel na nagpatuloy lang sa paglakad at ng makalapit kay Lean ay tinanong sya nito...

"Napalaban ka ba?" Tanong ni Lean

"Mag-iingat ka. May pagkatuso talaga sila... at iwasan mong may madamay na iba."

Sagot ni Giel na patuloy pa rin sa paglalakad hanggang makalampas kay Lean

"Sus, tatapusin ko agad sila bago pa man sila magkaroon ng pagkakataon."

Sagot ni Lean

Ngumiti lang si Giel ng marinig ang sagot ni Lean.Biglang hinugot ni Lean ang susi ng kanyang kwartong tinutuluyan mula sa kanyang bulsa at inihagis ito kay Giel na sya namang nasalo nito...

"Salamat..." Sabi ni Giel

"Hayy... sa hitsura mo halatang di ka dumaan sa reception." Sabi ni Lean

Nagpatuloy sa paglalakad si Lean hanggang makarating sa unang palapag kung nasaan ang maliit na pintong ginagamit bilang fire exit at nakita nyang sira ang knob nito...

"Naku naman, nanira pa sya." Sa isip ni Lean

- - - - -

"Dalawa lang ang pagpipilian natin. Ang masundan natin sila at malaman kung saan sila nagtatago o ang ubusin natin ang lahat ng pupuntang diyablo dito hanggang mapilitan ang mga pinuno na harapin tayo." Sabi ni Beth

"Ayos lang sakin kahit ano sa dalawa pero mas mainam na rin yung nauna para makaiwas tayo na may madamay na mga inosente." Sagot ni Karla

Biglang tumunog ang cellphone ni Beth dulot ng isang mensahe galing kay Lean, binasa agad niya ito....

"May nangyari ba?" Tanong ni Karla

"Kasalukuyan daw nagpapahinga si Giel sa isang hotel. Hayy, nabawasan ang alalahanin natin."

Sabi ni Beth

"Buti naman. Nagpapahinga na rin sila Mochi ngayon hindi ba? Mukhang kailangan nating ipagpatuloy itong pag-iikot hanggang mamayang umaga." Ani ni Karla

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon