"Seryoso na sya, sino ba talaga ang mga 'to?" Tanong na naglalaro sa isipan ni Emma habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagkabuo ng pakpak na gawa sa liwanag sa likod ni Giel
"Biglang tumaas ang antas ng spiritual na lakas nya!" Sabay na napansin nina Karla at Beth kay Giel
Matapos mabuo ang mga pakpak ay unti-unting umangat mula sa sahig ang mga paa ni Giel!
"Nakakalipad siya?!" Sabay muling reaksyon nina Karla at Beth
Pero agad tumigil sa pag-angat si Giel matapos siyang lumutang ng limang pulgada mula sa sahig na kanina'y tinatapakan ng kanyang mga paa!
"Miko, wala na akong pakialam sa'yo, kay Luisa, o sa kahit sino sa Ministry. Kung hindi kayo aalis sa daraanan ko..." Babala ni Giel na hindi nya natapos dahil agad na sumabat si Miko...
"Wala kang pakialam? 'Yan lang ba ang sasabihin mo?"
At pagkasabi noon ay naglabas si Miko ng isang malakas na bola ng enerhiya mula sa kanyang kanang kamay!
Agad-agad din namang napansin ni Giel na hindi pangkaraniwan ang bola ng enerhiya na inilabas ni Miko!
"Nararamdaman ko, lumakas ang kapangyarihan ko pagkatapos ng huling laban ko doon sa miyembro ng Union. Ilang araw pa lang pero kaya ko na ulit gamitin ang Pocket One!" Ito ang napansin ni Miko na pagbabago sa kanyang sarili.
Napangiti naman si Giel sandali pero hindi iyon nakaligtas sa atensyon ni Miko.
"Napalago mo ng lubusan ang iyong Spirit Ball. Naalala ko kung gaano ko ginustong magawa rin ang kapangyarihan na 'yan nung una ko yang makita. Sa totoo lang, sinubukan kong gawin yan ng magising sakin itong Sacred Spirit Power, pero mukhang hindi lang yan basta-bastang pabilog na enerhiya."
"Kung ganun hindi mo pa rin nakakalimutan ang unang pagkikita natin sa FAT. Si Lean, kung paano natin kinuha sina Luisa at Amabii sa mansyon ni Mr. Ganja, Pati na yung mga devourers!" Sigaw ni Miko
Isinara ni Giel ang kanyang mga pakpak...
"Hindi ko sinabing nakalimutan ko, ang sabi ko ay wala na akong pakialam."
At pagkatapos sabihin iyon ay nagsimulang magliwanag sa spiritual na enerhiya ang kanyang mga pakpak!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 141: Magkakaibigan
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pabilis nang pabilis ang pagtakbo ni Lean sa ibabaw ng tubig sa malawak na dagat papunta sa dalampasigan kung saan naghaharap sina Miko at Giel!
"Lean sandali lang!" Sigaw ni Master Nok na nahuhuli sa kanya ng ilang metro
Pero tila wala ng naririnig si Lean na ang tanging nasa isip ay ang mga ala-ala na magkakasama silang tatlo nina Miko at Giel.
Hanggang sa lalo pang bumilis ang bawat hakbang niya!
"Nagagawa na niyang gamitin ang enerhiyang ipinahiram ko para pabilisin pa ang kanyang pagtakbo!" Gulat na reaksyon ni Master Nok
- - - - -
"Emma!" Sigaw ni Giel na naging hudyat para mabilis na umatras si Emma papunta sa likuran niya.
Umatras naman sina Karla at Beth ng ilang hakbang nang makita nila ang Pocket One Spirit Ball ni Miko at ang enerhiyang naiipon sa mga pakpak ni Giel!
"Hindi na namin to mapipigilan pa." Sa isipan nilang dalawa
"Emma, wag kang aalis sa likod ko." Bilin ni Giel habang nakatuon ang atensyon niya kay Miko
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...