Chapter 36: Cupcakes

23 13 0
                                    


"Hindi nyo na naman ako isasama?"

Lumingon silang lahat at nakita si Janine na nagtatanggal ng benda sa kanyang mga mata.

"ate Janine..." bulong ni Mochi

Nang tuluyang matanggal ang benda ay nasilayan nila Miko, Giel, at Lean sa unang pagkakataon ang mga mata ni Janine. Agad na bumalik sa ala-ala ni Giel ang narinig nyang usapan nila Beth at Master Nok...

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Master Nok

"Hindi na naman nya nakontrol, tinalo nya ang halos isang daang diyablo sa isang kisap-mata lang." Sagot ni Beth

Iyon ang tumatakbo sa ala-ala nya habang nakatingin kay Janine. Nilapitan naman ni Beth si Janine...

"Sigurado ka bang kaya mo na? Wag mo kaming alalahanin, kaya na namin ito." Sabi ni Beth

"Sasama ako ate. Ayos na ako..." Sagot ni Janine sabay kuha ng salamin at sinuot nya sa kanyang mga mata

Lumingon si Beth kina Mater Nok at Karla at itinaas ng dalawa ang kanilang hinlalaki bilang pagsang-ayon na sumama si Janine. Kaya naman magkasabay na naglakad sila Beth at Janine palapit kina Master Nok. Nakatingin lamang sila Miko, Giel, at Lean kay Janine.

Si Mochi naman ay tumakbo palapit kay Janine at niyakap ito...

"Ahh... di ako makahinga Mochi." Sabi ni Janine

At natawa ang lahat ng nakarinig. Napansin din ni Miko na parang kakaiba ang suot ni Mochi. Makintab na kulay itim itong damit at pang-ibaba.

"Aba! Ayos yang suot mo Mochi ah." Sabi ni Miko

"Hayy nako naman, lahat na lang pinapansin mo pre." Sabi ni Lean kay Miko

At nagtawanan na naman muli ang lahat. Si Master Nok naman ay kinausap sina Karla at Beth sa isang tabi...

"Tiwala ako sa kakayahan ninyo at siguradong nasa panig natin ang Diyos. Aalis na rin ako mamaya-maya..." Sabi ni kuya Nok

"Ha?" Tanong nila Karla at Beth

"Lilipad ako papuntang Meggido. Nagpatawag ng pagpupulong ang council. Hayy... siguradong problema na naman ito." Sagot ni Master Nok

"Hahaha! Mukhang expected mo na ah" Sabi ni Karla

"Oh pano, larga na!" Sabi ni Master Nok

- - - - -

Nang mga oras na iyon ay magkasama naman sila Mark at J.K...

"Alam na nila ngayon kung nasaan ang mga kalaban..." Sabi ni Mark

"Anong plano mo?" Tanong ni J.K.

"Pinag-iisipan ko pa kung kakailanganin pa ba nila ng tulong."

Sagot ni Mark

"Hmm... mahilig ka talagang maki-alam sa problema ng iba. Bakit hindi ka na lang sumali sa ministry?" Tanong ni J.K.

"Mahirap kumilos kung laging may mga pabigat na kasama. Pero kung sa'yo nanggaling ang suhestyon na yan, ibig bang sabihin ay kinonsidera mo na rin ang pagsali sa kanila?" Pagbabalik ni Mark ng tanong kay J.K.

"Oo naman..." Sagot ni J.K.

"At ano namang napagdesisyunan mo?" Tanong ni Mark

"Hindi ko gusto." Diretsong sagot ni J.K.

"Magandang sagot yan ah..." Sabi ni Mark sabay sakay sa kanyang motorsiklo

"Halata sayong naguguluhan ka. Nakikita mo ba sa kanila ang mga dati mong kasamahan?" Sabi ni J.K.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon