"Kababata ko si Andro, nung dumapo sa lugar na ito yung kinukwentosa iyo ni papa na sakit, kasama sa mga naunang namatay ang mga magulang niya. Nagulat nga ako ng bigla siyang napadalaw at saktong nandito ako."
Ito ang sinasalaysay ni Miko kay Luisa habang nakaupo ang dalaga sa isang duyan sa ilalim ng isang malaking puno kung saan nakasandal si Miko.
"Hmmm... at alam niya rin ang tungkol sa spiritual na kapangyarihan?"
"Ahh, haha... napagalitan nga ako nun ni papa nang ipagyabang ko kay Andro ang Spirit Ball noong limang taon ako. Tapos nun ang kulit-kulit na niya at wala ng nagawa si papa kundi kausapin siya..."
"Limang taon ka pa lang nagagawa mo na ang Spirit Ball!?" Tanong ni Luisa
Lumapit si Miko para dahan-dahang itulak ang duyan...
"Oo... uhmm... hindi ko nga alam pero basta nararamdaman ko na noon na may kakaiba kapag nagcoconcentrate ako sa kamay ko... tas boom!"
Napayuko si Luisa...
"Huh? May problema ba?" Tanong ni Miko
"Wala naman... kanina pa natin pinag-uusapan si Andro, baka hindi na makatulog yun."
"Hayaan mo siya. Minsan na nga lang ako umuwi, may katabi pa tuloy ako sa kwarto."
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 95: Love Saga II
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Kung may sasabihin ka, wag ka na magtago dyan." Sabi ni Jeremiah habang nasa hardin siya sa likod bahay nila, ilang minuto bago tuluyang sumikat ang araw.
Agad namang lumabas si Luisa na nakasilip lamang sa isang gilid ng bahay habang pinapanuod si Jeremiah...
"Pasensya na, hindi lang ako masyado makatulog. Nagte-training ka na ng ganitong kaaga?"
"Kasapi ka rin ng Ministry di'ba? Alam mo na dapat ang eksplanasyon kung bakit ako nagsasanay."
Hindi agad nakasagot si Luisa na tila hinahanap pa ang mga salitang dapat niyang gamitin.
"Ang ibig kong sabihin di'ba dapat nagpapahinga ka muna at kumakain ng ganitong oras..."
"Ganyan ba ang gawain ninyo nila kuya? Maswerte talaga kayo sa lugar na yun." Pabalang na sagot ni Jeremiah
"Maswerte?"
"Hindi katulad ninyo sa FAT, walang suportang pinansyal na nakukuha sina papa para patakbuhin ang Ministry dito. Kakaunting volunteer lang ang meron. Kailangan din naman namin lumaban para sa mga taong nandito."
"Hindi ba naiintindihan ng gobyerno dito ang halaga ng Ministry?" Malungkot na tanong ni Luisa
"Iba ang sistema ng pamunuan dito sa Free End Islands, hindi ito katulad ng sa halalan. Minamana ang trono dito pero wala ring masyadong kapangyarihan ang namumuno. Kahit sariling sandatahang lakas ay wala ang bansang ito."
Napahinga ng malalim si Luisa sa narinig...
"Ganun ba..."
"Tsk, hindi ba bisita ka ni kuya? Hindi ka man lang ba niya sinabihan ng mga bagay tungkol sa bansang ito?"
"Galit ka ba sa kuya mo? Nagpapalakas ka ba para higitan siya?" Seryosong tanong ni Luisa
"Wala akong kailangang patunayan sa kanya o kay papa. Magiging Spirit Master ako at pagdating ng araw na 'yun gagawa ako ng reporma sa Ministry."
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...