"Mabalik ako, bakit ba maaga kang lumabas ngayon. Depende sa sagot mo, baka ibalik kita sa kuta natin." Sabi ni Michael
Itinaas ni Kurt ang dalawang kamay niya at inihawak sa kanyang ulo habang naglalakad...
"Wag ka mag-alala, wala naman akong gagawing kalokohan, gusto ko lang makita yung bagong tayong gusali dito. Ang balita ko kasi, ito ang pinakamalapad sa buong mundo!" Sagot ni Kurt kay Michael
"Hindi ko inasahan na interesado ka sa mga ganyang bagay." Komento ni Michael
"Hah! Wag mo nga akong itulad sa'yo na wala man lang kabuhay-buhay." Pang-aasar ni Kurt.
Hindi agad nakasagot si Michael at sa halip ay itinuon niya ang kanyang mga mata sa mga taong nakakasalubong at kung minsan ay sa mga gusali sa paligid hanggang sa matanaw nila ang bagong tayong gusaling tinutukoy ni Kurt na nang mga sandaling iyon ay dinudumog ng maraming tao.
"Paalala lang Kurt, kailangan nating puntahan si Amanda bago mag-ikatlo ng hapon." Ito ang paalala ni Michael na sinagot naman ni Kurt nang...
"Wag mo alalahanin si Amanda, kahit di ko sya gusto, bahagi pa rin siya ng Union at si Jay ang personal na pumili sa kanya."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 106: Pagkain
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Sumali talaga siya..." Reaksyon ni Agape habang nakatingin kay Mochi na nakahanay kasama ng iba pang mga kalahok sa gaganaping hotdog eating contest.
"Heto na! Handa na ang ating mga kalahok!" Sigaw ng lalaking may hawak na micropono
"Ayos lang kaya siya?" Tanong na naglalaro sa isipan ni Russel
"Limang minuto! Paramihan lamang ng makakain sa loob ng limang minuto! At ang mananalo... mag-uuwi nang limpak-limpak na hotdog mula sa ating sponsor!"
At nagtawanan ang mga tao...
"Ano ba namang klaseng pa-premyo yan..." Reaksyon ni Agape
"Teka, nasan na kaya sina ate Luisa at Amabii?" Tanong ni Russel
"Siguradong nag-iikot pa yun, maraming nagbukas na shops na dito lang makikita sa mall na ito." Sagot ni Agape
"Bakit ba kasi ang hilig mamili at tumingin ng mga babae ng kung anu-ano?" Sumunod na tanong ni Russel
"May problema ka ba dun?" Tanong ni Agape sabay tingin kay Russel
"W-wala ah, natanong ko lang naman." Kabadong sagot ni Russel
"MAGSISIMULA NA TAYO!"
"Alam mo bata, kung gusto mo lang ng hotdog dapat nagpabili ka na lang sa mama mo, hindi ka na dapat nakikigulo dito." Sabi ng lalaking katabi ni Mochi
"Hmph!" Sagot ni Mochi
At inilatag na sa harapan ng bawat kalahok ang malalaking pinggang puno ng mga hotdogs.
"READY... GO!"
- - - - -
Napukaw ng ginaganap na kompetisyon ang atensyon ni Kurt na noon ay nagiikot-ikot din sa loob ng mall kaya naman agad siyang lumapit doon at sinundan naman siya ni Michael.
Sumingit si Kurt sa pagitan ng mga nagsisiksikan na tao hanggang sa mapwesto siya sa tabi ni Agape kung saan kitang-kita ang nagaganap na kompetisyon.
Tuloy-tuloy sa pagkain ang mga kalahok habang ang ilan sa kanila ay napapainom na ng tubig para itulak ang hotdogs na hindi na nila lubusang manguya dahil sa pagmamadali...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...